^

Dr. Love

Married pero may ka-fling?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masama bang mag-fling fling lang? Married na ako, kaso lapitin ako ng mga chicks. Wala naman akong bisyo at maganda ang record ko rito sa school. Marami kasi akong college students na nagpa-picture at nagpapa-cute sa akin.

Ewan ko ba, ang lakas ng sex  appeal ko. Hindi lang ako nakaligtas sa isang chicka babe, si Lawrence. Babae siya,  unique ang pangalan at laging late sa klase ko. Estudyante ko siya.

Kaso ang lambing, laging may pasalubong na donut sa akin. Pagkatapos ng klase niya ibinibigay. Minsan, sabay kaming umuwi at nagkayayaang mag-two bottles. Hayun napapadalas. Promise hindi ko siya nililigawan kaso nagiging malapit na ang loob ko sa kanya. Dr. Love, sana matulungan mo ko bago pa ako mahuli ng misis ko.

Mr. Pogi ng Pasay

Dear Mr. Pogi ng Pasay,

Ang “pogi” mo talaga noh? Paalala ko lang sa iyo ang dalawang responsibilidad mo: ang pagiging asawa at ang propesyon mo bilang guro.

Ok lang makipagkaibigan ka sa mga students mo pero hindi sa puntong umiinom na kayo.

Marami nang kaso na ganyan ang simula at nauuwi sa buntisan. Kaya mag-isip-isip ka, now na! You better stop or else talagang mayayari ka sa misis mo.  Kailangan mong sabihan ang student mo bilang guro at alang-alang na rin sa misis mo. 

DR. LOVE

 

vuukle comment

FLING

MARRIED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with