^

Dr. Love

Dapat bang maghabol?

Pilipino Star Ngayon
Dapat bang maghabol?

Dear Dr. Love,

Sana ay huwag mo nang ilahad ang tunay kong pangalan dahil ito’y may kinalaman sa isang lihim na pinagsisisihan ko.

Kumusta ka po? Harinawang sapitin ka ng sulat ko na nasa maayos na kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Lolit, 21 anyos at nananatili akong walang bahid dungis hanggang sa makilala ko si Roel. Hindi siya ang una kong boyfriend. May nauna nang dalawa pa bukod sa kanya. Pero sa kanya ko lang naibigay ang aking pagkadalaga.

Ang dahilan, lubha siyang agresibo at marahil, dahil na rin sa malabis kong pagmamahal ay naisuko ko ang aking dangal bilang babae sa kanya.

Minsan lang nangyari iyon at kasunod noon ay napansin ko na ang unti-unti niyang panlalamig at paglayo sa akin. Masakit isipin pero matagal nang hindi nagpapakita sa akin si Roel.

Dapat ko ba siyang habulin, Dr. Love o ituring na lang na isang masaklap na karanasan ang nangyari sa akin?

Lolit

 

Dear Lolit,

Nalulungkot ako sa karanasan mo pero sana ay maging aral sa iyo at sa lahat ng kababaihan ang karanasang iyan.

Dapat ka bang maghabol? Hayaan mo siyang kusang lumapit at makipag-ayos. Kung hindi niya gagawin ito, gaya ng nasabi mo, charge it to experience at huwag mo nang hayaang maulit pa.

Sa buhay natin, may kalayaan tayong gawin ang bawat ibigin natin. Bawat isa sa atin ay binigyan ng free will ng Panginoon at nasa atin kung paano natin ito gagamitin ng wasto. Pero tandaan natin na dapat din nating harapin ang consequence o ibubunga ng ating ginawa.

Wika nga, life is a choice. Sa Salita ng Diyos, itinuturo sa atin ang pagdedesisyon ng tama. Kung susuway tayo, may kaagapay na bunga ang ating mga gagawin.

Dr. Love

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with