^

Dr. Love

Confused si Connie

Pilipino Star Ngayon
Confused si Connie

Dear Dr. Love,

Magpapa-advice po sana ako tungkol sa lalaking mahal ko.  Itago n’yo na lang ako sa pangalang “Connie” ng Tondo, Manila.

Dr. Love, I feel confused sa damdamin ko sa lalaking napupusuan ko. Tawagin na lang po natin siyang Andy.

Three months ago nang magkakilala kami at nakadama na ako ng kilig. Masayang-masaya ako dahil nang kunin niya ang phone number ko ay madalas na niya akong tawagan.

Ngunit ang saya ko ay naging kalungkutan dahil after a week, hindi na niya ako tinatawagan. Kung tinatawagan ko naman siya, parang wala siyang ganang makipag-usap sa akin.

At kung nagpupunta siya  sa common friend namin, na kapitbahay namin, hindi niya ako pinapansin. Kaya tinatanong ko sa sarili ko kung mahal ba niya ako? Hindi ko maintindihan.

Hindi ko na po alam ang gagawin ko at umaasa ako na mabibigyan ninyo ako ng magandang advice.

Connie

 

Dear Connie,

Talagang mahirap unawain ang pag-ibig. Kung minsan akala mo the feeling is mutual, ‘yun pala bigla na lang walang paramdam.

Sana huwag mong masyadong dibdibin kung hindi man itinuloy ni Andy ang kanyang panliligaw dahil baka naman sa pag-uusap ninyong dalawa noon sa telepono, napatunayan niya sa kanyang sarili na hindi kayo compatible.

Sa tingin ko, bata ka pa kaya marami pang iba ang mapagbabalingan mo ng pansin.

Huwag kang magmukmok sa bahay. Maging aktibo ka sa iba’t ibang organisasyong pangkabataan at mula rito maaaring makatagpo ka ng iba na totoo ang magiging damdamin para sa iyo.
Makakalimutan mo rin siya sa sandaling makakakilala ka ng ibang binata na magtatangi sa iyo ng tunay at tapat.

Abalahin mo ang isip sa mas makabuluhang gawain kaysa palagi mo siyang iisipin dahil ikaw lang ang malulugi sa ganitong sitwasyon.

Go out and enjoy life.

Dr. Love

vuukle comment

PHILSTAR DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with