^

Dr. Love

Paano maibabalik?

Pilipino Star Ngayon
Paano  maibabalik?

Dear Dr. Love,

Unang-una po ay ang aking pangangamusta at hangad na kayo ay nasa mabuting kalagayan.

Ipinasya kong sumulat sa inyo dahil sa problema ko sa aking mister. Ikubli na lang ninyo ako sa pangalang Aira, 41 anyos. Ang asawa ko po ay 32 anyos lang. Nine years ang aming agwat.

Nang ligawan niya ako, may ilang taon na ang nakararaan, sinabi niyang walang halaga kahit matanda ako sa kanya dahil mahal na mahal niya ako.

Ako na ang nag-warning sa kanya na baka magsisi siya bandang huli ngunit mapilit siya. Dahil sa kanyang kabaitan ay sinagot ko siya at kami ay nakasal kahit labag sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.

Ngayon ay nabalitaan kong naloloko siya sa mas nakakabata sa kanya. Lihim akong lumuluha sa ginagawa niya pero hindi ko siya makompronta. Malamig na rin siya sa akin dahil marahil unti-unti nang lumalabas ang palatandaan ng aking edad.

Paano ko po maibabalik ang dating tamis ng aming relasyon?

Aira

 

Dear Aira,

Hindi mo nasabi kung mayroon kayong anak. Pero kung mayroon, dapat sana ay maging buklod ng inyong pagsasama ang bunga ng inyong pagmamahalan.

Tinatanong mo kung paano maibabalik ang tamis? Hindi ko alam pero ang pinakamahalaga ay mag-usap kayo ng mahinahon. Hindi mo pa siya kinukompronta, wika mo. Dapat ‘yun ang gawin mo nang may kahinahunan.

Dr. Love

PHILSTAR DR LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with