^

Dr. Love

Ex-sex worker ang ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap ng liham ko.  Itago mo na lang ako sa alias na Elena, 22-anyos at single. Marami akong manliligaw dahil marahil ako’y isang tisay. Half Filipino at half German.

Nakagisnan ko lang ang isang stepfather na kinakasama ngayon ng mother ko. Hindi ko kilala ang tunay kong ama. Isang dating sex worker ang aking ina. Nagtrabaho siya sa abroad noon pero nasadlak siya sa prostitution. At nang umuwi siya ay may dala na siyang sanggol sa tiyan. Ako nga ‘yun.

Mahal na mahal ko ang aking mother dahil alam ko ang sakripisyong ginawa niya para ako’y mapalaki ng maayos. Nang isilang niya ako ay nagnegosyo na lang siya sa kaunti niyang naimpok sa abroad.

Nakapagtayo siya ng grocery na lumago at ‘yun ang ipinantustus niya sa pag-aaral ko.

Maraming nanliligaw sa akin pero paano kung malaman nila na ako’y isang bastard? Natatakot ako.

Ano ang gagawin ko?

Elena

Dear Elena,

Bakit ka mangangamba? Kung nagkasala man ang ina mo, wala kang kinalaman doon. Maging tapat at prangka ka sa mga manliligaw mo at sabihin ang totoo.

Kung tatanggapin ka nila sa kabila ng lahat, nangangahulugan na mahal ka nila. Pero ingat ka rin. Baka dahil sa ganda mo ay ang kariktan mo lang ang gusto nilang makita.

Ipakita mo sa mga manliligaw mo na sa kabila ng lahat ay isa kang disenteng babae na dapat igalang at mahalin ng tapat.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

ANO

BAKIT

DEAR ELENA

DR. LOVE

ELENA

HALF FILIPINO

IPAKITA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with