^

Dr. Love

Feeling siya ang forever

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kinababanasan ko po ang girlfriend ng kuya ko dahil ani na buwan pa lang silang mag-on, kung umasta po ito ay parang siya na ang forever ng kapatid ko.

Kapag hindi nakakapunta sa condo niya si kuya, siya ang nagsasadya sa bahay namin. Ang nakakayamot, hindi siya sa sofa pumipirmi kundi dire-diretso sa kuwarto ng kapatid ko.

Hindi ko po maunawaan kung bakit ipinagpalit ni kuya ang kaibigan kong si Merline, na kasundung-kasundo ko kumpara kay Marivic. Maganda ang kaibigan ko kahit walang make up, hindi tulad ni Marivic na kung anu-ano ang nakalagay sa mukha at kung manamit ay kulang na lang makita na ang kaluluwa niya.

Alam mo po, Dr. Love gusto kong makilala ang tunay na pagkatao ni Marivic. Ang press release niya kuya, isang teller sa multinational bank ang girlfriend niya. Kaya minsan ay nagsadya ako sa bangko na pinagtatrabahuhan niya, kasama ang isang kaibigan.

Tamang-tama nang magtanong kami sa information ng bangko ay siya namang pagdating ni Marivic na nagpatay-malisya pa nang makita ako. Kasama niya ang isang may edad na lalaki na nalaman kong branch manager pala nila.

Iniisip ko po ngayon kung dapat ko bang sabihin kay kuya ang nakita ko o hindi. Payuhan po ninyo ako.

Mula nang magpunta ako sa bangko ay hindi na napadpad sa bahay namin si Marivic. Ipinagtaka ko rin dahil biglang nagtanong ang kuya ko kung ‘yung dati pa rin ang cell phone number ni Merline.

Marami pong salamat, Dr. Love at Happy New Year.

Gumagalang,

Belinda

Dear Belinda,

Palagay ko nasa sapat na gulang na ang kuya mo, kaya ipaubaya mo na sa kanya ang tungkol sa pakikipagrelasyon niya. Pero kung magtanong siya sa’yo, hindi rin naman masama kung magsabi ka.

Tungkol sa pag-uusisa niya sa contact number ng kaibigan mo, may posibilidad na mangyari ang hinahangad mong pagbabalikan nila. Abangan mo na lang, kaysa pangunahan ang sitwasyon.

DR. LOVE

vuukle comment

ABANGAN

ANG

DEAR BELINDA

DR. LOVE

HAPPY NEW YEAR

HINDI

KUNG

KUYA

MARIVIC

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with