^

Dr. Love

Malikot ang kamay ng girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana’y itago mo nalang ako sa alyas na Henry, Dr. Love. Ako’y 22 anyos at nakatakdang ikasal sa aking kasintahan.

Limang buwan na kaming magkasintahan bago namin plinano ang pagpapakasal. Kaso may natuklasan akong lihim sa kanya. Malikot pala ang kamay niya. Mayroon yata siyang sakit na kung tawagin ay kleptomania.

Noong una’y ayaw kong paniwalaan ang mga sabi-sabi tungkol sa kanya. Minsang magkasama kami sa isang party ay may nawalan ng cellphone.

Hindi naman siya pinagbintangan pero siya ang katabi sa mesa nung nawalan.

Nang minsang isama ko siya sa aming bahay, nagkataong mayroon ding bisita ang father ko at nawala ang mamahalin niyang shades.

Apat nang okasyon na may nawawalan palagi kapag kasama ko siya. Dapat ko pa bang ituloy ang pagpapakasal sa kanya sa taong ito?

Henry

Dear Henry,

Nakumpirma mo na ba na siya talaga ang nagnakaw ng mga nawawalang bagay? Baka naman nagkataon lang.

Mabuti siguro ay obserbahan mo ang mga ikinikilos niya kapag magkasama kayo, saan mang lugar. Mapapansin mo naman iyan kung nakatutok ang iyong mga mata sa kanya.

Kung mapatunayan mo ang iyong hinala, kausapin mo siya. She needs professional help. Ang kleptomania ay isang psycho­logical disorder at dito’y makatutulong ang isang clinical psychologist o psychiatrist.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ANG

APAT

DAPAT

DEAR HENRY

DR. LOVE

KASO

LIMANG

MALIKOT

MAPAPANSIN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with