^

Dr. Love

Nangarap yumaman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mula pagkabata, ang pangarap ko ay yumaman at gagawin ko ang lahat para makamit ang hangarin ko sa buhay.

Kaya naman hindi ko alintana ang mga binatang nagpapalipad-hangin sa akin. Dahil gaya ko rin silang salat sa maraming bagay.

Nang isang kamag-anak ang nagbalitang may mapapasukan sa Maynila ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sunggaban. Isang may edad na embalido ang binabantayan ko nun.

Natutuwa ang asawa niya dahil magkasundo kami. Inaayusan ko siya at nilalagyan ng make-up tuwing kami ay lalabas. Maaga na rin nakakauwi ang kanyang private nurse dahil tinuruan na niya akong magbigay ng gamit at magturok ng insulin ni Mrs. Gomez.

Pero minsan habang nagmumuni-muni ako sa labas, lumapit ang asawa ng aking among babae at sinabi, hindi lang ang kanyang asawa ang dapat kong pagsilbihan kundi maging siya. Paligayahin ko raw siya ay ibibigay niya ang kaginhawaan na hinahangad ko.

Dahil nangingibabaw ang hangad kong makakawala sa hirap, kinagat ko po ang alok ni Mr. Gomez at nadoble nga ang sahod ko, marami pang regalo ang tinatanggaap ko mula sa kanya.

Pero pansamantala lang pala ang kaligayahang dulot ng maraming pera. Dahil unti-unti ay kinamumuhian ko ang aking sarili. Isa pa, nalaman kong binaliktad ako ni Mr. Gomez sa kayang asawa at sinabing inaakit ko raw siya, alang-alang sa pera.

Kaya agad akong nagbalot at tuluyan nang nagpaalam.

Dr. Love pinagsisisihan ko po ng husto ang a­king nagawa. Mapapatawad pa kaya ako ng Diyos. Napakarumi po ng tingin ko sa aking sarili ngayon. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Issah

Dear Issah,

Laging may kapatawarang nakalaan ang Diyos sa mga nagsisisi sa anumang nagawan kasalanan, tandaan mo sana iyan. Kaya huwag mong ilugmok ang sarili mo sa nakaraan para hindi masayang ang biyayang nakalaan para sa’yo sa mga susunod pang araw. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa’yo!

DR. LOVE

vuukle comment

ANG

DAHIL

DEAR ISSAH

DIYOS

DR. LOVE

KAYA

MALIGAYANG PASKO

MANIGONG BAGONG TAON

MR. GOMEZ

MRS. GOMEZ

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with