^

Dr. Love

Not the marrying kind

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Oswald, 31 anyos at binata pa. Marami na akong naging kasintahan at antimano, sinasabi ko sa kanila na hindi ako ‘yung tipong nagpapakasal. May mga okey lang sa kanila at ‘yung iba naman ay nakikipag-break agad sa akin.

Wala namang problema sa akin ‘yon. At least hindi nila masasabing nagsasamantala ako sa kanila.

Sa bago kong kasintahan, sinabi ko rin ito. Pumayag siya sa relasyong walang kasalan. Nagsama kami at makalipas ang limang buwan ay nagdalantao siya. Bigla siyang nagyayang magpakasal.

Nung una’y puro pahiwatig hanggang mapansin kong seryoso siya. Nang iginigiit ko na hindi ako ang tipong nagpapakasal, tinakot niya ako na ipapapatay. Medyo kinakabahan ako, Dr. Love. Ano ang gagawin ko?

Oswald

Dear Oswald,

Sa tingin ko ay nakatagpo ka ng katapat sa kahangalan mo. Ano pa man ang sabihin mo, ang ginagawa mo ay pagsasamantala sa kababaihan. Kahit sabihin mo pang inilalahad mo ang kondisyon mong hindi magpapakasal sa kanila.

‘Yung mga babaeng pumapatol sa kabila ng kondisyon mo ay kapareho mo rin ang paniniwala. Kaya lang hindi pare-pareho ang tao at ang natagpuan mong ka-live-in ngayon ay isang handang makipaglaban sa kanyang karapatan.

Wala akong maipapayo sa iyo kundi mag-ingat ka na lang sa banta niya. Kung gusto mo, magpa-blotter ka sa barangay o sa pulis dahil binantaan niya ang iyong buhay.

Dr. Love

vuukle comment

ANG

ANO

BIGLA

DEAR OSWALD

DR. LOVE

KAHIT

KAYA

MARAMI

OSWALD

STRONG

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with