^

Dr. Love

Man hater

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa iyo. Hindi mo na­ita­tanong, isa lang ako sa libu-libong tagasubaybay ng malaganap mong column sa number one dyaryong Pilipino Star NGAYON.

Tawagin mo na lang akong Rizalina, 27 anyos at single pa rin. Ikakasal na sana ako noong taong 2012 pero hindi natuloy. Napikot ng ibang babae ang boyfriend ko.

Masamang-masama ang loob ko at sumum­pang hindi na makikipagrelasyon kahit kanino.

Lahat ng manliligaw ko ay dinidispatsa ko agad. Tingin ko sa mga lalaki ay pare-pareho lang.

Hanggang sa dumating sa buhay ko si Armand. Hindi siya agad nanligaw kundi naki­pagkaibigan lang sa akin. Nung una ay ilag ako pero habang nagtatagal, napapalapit ang ka­loo­ban ko sa kanya.

Wala nang nangyaring ligawan kundi parang na-develop kami sa isa’t isa. Maginoo siya. Walang namagitang hindi maganda sa amin dahil gusto raw niyang ireserba ‘yun sa gabi ng aming kasal.

Sa palagay mo Dr. Love, siya na ba si Mr. Right?

Rizalina

Dear Rizalina,

Walang ibang makasasagot niyan kundi ikaw lang. Kung totoong maginoo siya sa pani­ngin mo, baka nga siya na ang angkop na lalaki para sa iyo. Isang lalaking handa kang pakasalan.

Mabuti naman at hindi mo tuluyang ikinandado ang puso mo sa tawag ng pag-ibig. Hindi lahat ng lalaki ay salawahan at may karapatan kang hanapin ang iyong kaligayahan.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ANG

DEAR RIZALINA

DR. LOVE

HINDI

MR. RIGHT

PILIPINO STAR

RIZALINA

SHY

STRONG

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with