^

Dr. Love

Dark secret

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pleasant day, Dr. Love. Please, call me Rhea na lang, 21 anyos and I am a single mom.

I had a boyfriend 4 years ago at dahil sa kapusukan, ako ay nagdalang tao, not knowing na iiwanan ako ng boyfriend ko pagkatapos.

Because of this, I didn’t know what to do. Alam ito ng parents ko at ng kaisa-isa kong kapatid na babae na naninirahan sa Davao kasama ang asawa.

We decided to keep it a secret. Pinagbakasyon ako ng mga parents ko sa Davao at lumagi ako roon hanggang makapanganak ng isang malusog na sanggol na babae.

Nang magsilang ako ng sanggol ay ipinasok ako sa pagamutan gamit ang pangalan ng aking kapatid na babae para palabasing tunay nilang anak ito.

Walang anak ang kapatid kong babae kaya ipinasya nilang mag-asawa na ampunin ang bata.

Bumalik ako sa Maynila at nabuhay na parang walang nangyari. Ang nakababatid ng lihim na ito ay tanging kami lang ng mga parents ko, kapatid at bayaw.

Maraming nanliligaw sa akin pero sinusumbatan ako ng konsensya ko. Para bang ang sino mang lalaking iibigin ko ay mistulang dinaya ko dahil hindi niya alam na ako ay may anak sa pagka-dalaga.

Tulungan mo ako Dr. Love

Rhea

Dear Rhea,

Totoo na mahirap magtago ng lihim gaya ng taglay mo dahil manunumbat lagi ang iyong konsensya, lalu pa’t makikita mo ang iyong anak na nag-aakalang ikaw ay tiyahin lang niya.

Mawawala lamang ang sumbat ng budhi kung magtatapat ka sa lalaking mapapangasawa mo.  Naniniwala naman ako na kung mahal ka ng lalaki ay hindi niya iisipin ang ano mang nakaraan mo. Sabi nga, love covers a multitude of wrongs.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKO

ALAM

ANG

BUMALIK

DAVAO

DEAR RHEA

DR. LOVE

MARAMING

MAWAWALA

MAYNILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with