^

Dr. Love

Dalagang ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cynthia, 21-anyos at isang dalagang ina. Pero iilan lang kaming nakakaalam ng sikreto kong ito.

Nabuntis ako ng aking boyfriend noong ako ay 15-anyos lang at iniwan ako. Kaya ako’y nagsilang sa malayo naming lalawigan at inampon ng aking second cousin ang aking anak na ngayo’y 5 taong gulang na. Pati sarili kong anak ay pinaniwala naming auntie niya ako.

Kakaunti ang nakababatid noon. Bumalik ako sa Maynila at nabuhay na tulad ng dalaga at tumanggap ng manliligaw. May iba akong naging boyfriend pero hindi ako sumeryoso.

Hanggang sumapit ako sa edad kong ito at nagkaroon ako ng boyfriend na mahal ko. Lagi niyang sinasabi sa akin na masuwerte siya dahil isang certified virgin ang kanyang girlfriend. Iyan kasi ang pakilala ko sa kanya.

 Ngayo’y niyayaya niya akong magpakasal. Hindi ako agad makasagot kahit pareho kaming nasa tamang gulang. Natatakot kasi ako dahil malalaman niya ang totoo.

Ano ang gagawin ko?

Cynthia

 

Dear Cynthia,

Mahirap gawin pero magsabi ka ng totoo sa kanya. Dalawang bagay lang ang puwedeng mangyari. Ang tanggapin ka niya sa kabila ng lahat o kaya’y makipagkalas siya sa iyo dahil dinaya mo siya.

Kung mangyari ang hindi magandang scenario, wala kang magagawa kundi tanggapin ito.

Alam mo, sa kalagayan mo ngayo’y wala kang dapat ilihim sa mga manliligaw mo. Kung mahal ka ng isang manliligaw, tatanggapin ka niya ano man ang iyong kahapon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANG

ANO

BUMALIK

DALAWANG

DEAR CYNTHIA

DR. LOVE

HANGGANG

IYAN

KAKAUNTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with