^

Dr. Love

4 ang boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang balak sulatan ka dahil sa isang problemang gumugulo lagi sa isip ko. Alam kong makatutulong sa akin ang mahalaga mong payo.

Kaso, parang nahihiya ako dahil sob­rang personal ang problema ko.

Hinihiling ko na kung puwede ay ikubli mo na lang ako sa alyas na Verna, 20 anyos at kasalukuyan pang nagha-hunting ng trabaho dahil bagong graduate lang sa kursong computer science.

Apat po ang boyfriends pero hindi ko matiyak kung sino ang pipiliin ko. Lahat sila ay makikisig at mababait. Wala akong itulak-kabigin sa kanila.  Nalalaman ko na isa lang ang dapat kong piliin para maging lifetime partner.

Maganda kasi ako kaya marami akong manliligaw na puro guwapo. Noong una’y hindi ako seryoso. Parang katuwaan lang na sagutin ko sila nang sabay-sabay.

Pero kakatwa ang nadarama ko ngayon. Parang bawat isa sa kanila’y mahal ko. Hindi sila magkakakilala.

Paano ko lulutasin ang problem ko?

Verna

Dear Verna,

Ikinalulungkot ko pero ang desisyon ay nasa sa iyo, kung sino ang pipiliin mo at ilalaglag sa apat mong boyfriend.

Hindi na kita sisisihin sa ginawa mong pagsagot sa kanila nang sabay-sabay dahil naririyan na iyan.

If not sure, mas mabuti siguro kung i-break mo na lang silang lahat. Pero kung makakapag-decide ka ngayon kung sino ang mas matimbang sayo, agad kang magpasya kung sino sa kanila ang mamahalin mo at kakalasan.

Do that soon.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

APAT

DEAR VERNA

DR. LOVE

HINIHILING

KUNG

PERO

STRONG

VERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with