^

Dr. Love

May lahing baliw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati sa inyo, Dr. Love. Tawagin mo na lamang akong Consorcia, 26-anyos at may asawa.

Bago ko pakasalan ang asawa kong si Artemio, tutol ang aking mga kaanak lalo na ang aking mga magulang dahil may lahi raw silang baliw.

Ang panganay niyang kapatid ay gina­gamot pa rin sa mental hospital at ang kapatid ng kanyang ama ay namatay na may manic depression.

Pero nasunod ang aking puso. Nagpa­kasal kami ni Artemio at sa loob ng aming apat na taong pagsasama ay nagkaanak kami ng isa.

Mahal ko si Artemio ano man ang sabihin nila. Nagtatrabaho siya sa isang bangko pero kamakailan ay natanggal siya sa trabaho. Hindi naman malakas ang epekto sa amin ng pagkakaalis niya dahil may trabaho naman ako na malaki-laki ang sahod.

Magmula noon ay may mga tiyempong siya’y natutulala. Kung minsan ay inaabutan ko siyang mag-isa na bubulung-bulong na tila kinakausap ang sarili.

May oras naman na matino siya pero tingin ko’y dinamdam niyang labis ang kanyang pagkakaalis sa trabaho.

Natatakot ako sa maaaring mangyari. Ano ang dapat kong gawin?

Consorcia

 

Dear Consorcia,

Kausapin mo siya nang madalas. Mamasyal kayo kapag day off mo. I-motivate mo siya at sabihing makakahanap siya ng bago at mas magandang trabaho.

Minsan, ang kapansanan sa isip ay talagang namamana. Pero puwedeng mapigilan iyan kung ang ka-partner ng isang taong may tendency na mabaliw ay  magiging encouragement sa kanya.

Ipakita mo na mahal mo siya at huwag kang magpapakitang naiirita sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

ARTEMIO

CONSORCIA

DEAR CONSORCIA

DR. LOVE

IPAKITA

KAUSAPIN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with