^

Dr. Love

Public Display of Affection

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sobrang in-love po ang mommy ko sa bago niyang asawa na childhood sweetheart niya, si Mang Jack. Pareho silang balo. Hindi naman kami hadlang na magkakapatid sa kanilang pagmamahalan, nga lang ang sobrang pagdi-display nila ng affection sa isa’t isa kahit na nasa pampublikong lugar ang nakakapagpabagabag sa amin.

Nakakailang po kasi kaysa sa karaniwang pag­lalambingan, para silang teenager sa kanilang ikinikilos. Nag-aalala rin po ako dahil naiirita ng husto ang aking lola sa kaniyang naoobserbahan sa kanilang dalawa.

Dati na po kasing nagkakagustuhan noong kabataan nila ang mommy ko at si Mang Jack. Pero ibang babae na nais ng mga magulang ni Mang Jack para sa kanila. ‘Yung kagaya ng estado nila sa buhay, mayaman po kasi sila.

Binawian ng buhay ang asawa ni Mang Jack dahil sa sakit sa matres, wala po silang anak. Dalawang taon naman ang lumipas, suma­kabilang buhay ang daddy namin.

Nang makarating kay Mang Jack ang tungkol dito ay agad niyang hinagilap ang mommy ko at nag-propose ng kasal. wala na rin kasi ang mga magulang niya na pipigil sa kanilang naudlot na pagmamahalan.

Matagal din po ang naging pagtitiis ni mommy simula nang magkasakit ang daddy ko. Naging paralitiko na kasi siya. Kaya naman kitang-kita naming magkapatid ang kakaibang kaligayahan ni mommy kay Mang Jack.

Pero Dr. Love, baka kasi pagtsismisan sila dahil sa kabila ng edad nila ay pareho silang parang teenager kung maglambingan kahit saan. Hindi ko po alam kung ako ba ang dapat magsabi kay mommy o ang lola ko sa father side, na medyo ilagay sa lugar ang paglalambingan nila. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Nimpa

Dear Nimpa,

Sa palagay ko, hindi ka lang sanay na makita ang nakakabatang pakiramdam ng sobrang in-love sa katauhan ng mommy mo. Pero para sa akin, walang kaso kahit mag-“PDA” o public display of affection to the max pa sila. For all you know, nakaka-inspire sila sa mga kagaya nilang edad o nakakapagpangiti o nakakapagpakilig sa mga taong nasa paligid nila. Kung ako sa’yo, maging masaya ka para sa mommy mo, na hindi maitago ang kaligayahan dahil sa nadugtungan niyang love life.

DR. LOVE

vuukle comment

BINAWIAN

DALAWANG

DATI

DEAR NIMPA

DR. LOVE

MANG JACK

MOMMY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with