^

Dr. Love

Ginayuma?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Labis na nag-aalala ngayon ang aking pa­milya sa kalagayan ng isa kong kapatid na babae na nahumaling, nagtanan at nagpakasal sa isang lalaking mas matanda kaysa kanya.

Simula po nang makilala ng kapatid kong si Marie ang lalaking ito, na dayo lang sa aming lugar, parang nagayuma siya nito.

Nakapagtataka po na nagustuhan ng ate ko ang aking bayaw na wala man lang sa kaling­kingan ng mga nanligaw sa kanya pero na-bas­ted dahil hindi niya kursunada.

Kahit anong pintas ang gawin ng mga magulang ko noon kay Tomas, hindi pinakikinggan ng aking ate, nakipagtanan pa ito at sumama sa kanilang probinsiya.

Bagaman galit ang aking parents sa gina­wang pagsuway ni ate sa kanilang pagtutol sa naging asawa nito, hindi rin naman sila nakatiis.

Nagpadala sila ng isang kamag-anak patu­ngong Bicol para alamin ang kalagayan ni ate. Ang resulta, namayat daw ang kapatid ko dahil marahil sa hirap ng buhay. Pobre daw ang pa­milya ni Tomas at wala itong pirmihang trabaho.

Ang balita pa ng sinugong kamag-anak, tila raw  ginayuma ni Tomas ang kapatid ko dahil sa kabila ng kalagayan nito ay hindi maiwanan ang kanyang asawa. Inamin daw nito sa kanya na nagtataka raw siya kung bakit nga niya nakursunadahan ang naging asawa.

Ano po ba ang dapat naming gawin?

Gumagalang,

Beth

Dear Beth,

Wala tayong beripikasyon kung may katotohanan ngang tumatalab ang gayuma sa isang babae o lalaki na gustung-gusto ng isang tao.

Para mawala ang pag-aalala ng iyong pa­milya sa ate mo, bakit hindi kayo ang mismong magsundo sa kapatid mo para du­malaw sa bahay ninyo.

Mula ba nang magtanan ang ate mo ay hindi na siya nakatuntong sa inyong tahanan?

Nagkamali man ang kapatid mo sa ginawa niyang pagtatanan, makabubuting tulungan siya kung mayroon man siyang problema. Huwag ninyong daanin sa puwersa ang hakbang na dapat gawin kundi diplomasya.

Maaaring nahihiya ang ate mo sa nangyari kung kaya’t ayaw humingi ng tulong sa inyo kung mayroon man siyang problema.

DR. LOVE

vuukle comment

ANO

ATE

BAGAMAN

BICOL

DEAR BETH

DR. LOVE

SHY

TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with