^

Dr. Love

Mas matanda ang misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sweet greetings at nawa’y maligaya ka at walang problema sa pagtanggap mo ng sulat ko. Pinauuna ko na ang taos-pusong pasasalamat sa paglathala mo ng aking sulat.

Tawagin mo po akong Mauro, 35 -anyos at ang misis ko ay 45-anyos. Sampung taon ang tanda niya sa akin.

Fifteen years old ako nang ligawan ko siya dahil maganda siya at kaakit-akit noon.  Nagpakasal kami nang ako ay 20 anyos at siya ay 30-anyos. Hindi naman kami alangan dahil mukhang bata siya at marami nga ang naiinggit sa akin noon.

Sabi sa akin ng mga magulang ko, sana ay hindi ako magsisi balang araw. Mayroon na kaming tatlong anak ngayon at unti-unting lumalabas ang katotohanang malaki ang aming agwat sa edad.

‘Yung gandang hinangaan ko sa kanya noon ay kumupas na. Minsan nga ay napagkakamalan siyang nanay ko.

Mahal ko naman ang misis ko sa kabila nito pero nasasaktan ako kapag may mga nagkakamali na nanay ko siya. Pagpayuhan mo po ako.

Gumagalang,

Mauro

Dear Mauro,

Sabi nga “age doesn’t matter” pagda­ting sa pag-ibig. Kung mahal mo siya, kahit ano pa ang itsura niya ay hindi mo siya ikakahiya.

Pero malulutas ang problema ninyo kung magpupustura siya.  Magpagupit siya ng hairstyle para sa kabataan at ikaw naman ay mag-ayos ka na parang ka-edad niya. Wika nga adjustment ang kailangan ninyo

Dr. Love

vuukle comment

DEAR MAURO

DR. LOVE

GUMAGALANG

MAGPAGUPIT

MAURO

MAYROON

MINSAN

SABI

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with