^

Dr. Love

Ayaw maging instant mommy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa po akong balo at sa edad na 43-anyos ay mayroong dalawang mga anak na babae, kamukhang-kamukha nila ang yumao kong asawa.

Ang problema ko po, isang taon na akong mayroong karelasyon. Wala kaming problema ni Melba sa aming relasyon at natitiyak kong mahal ko siya. Pero sa naoobserbahan ko sa kanya ay asiwa siya sa aking mga anak.

Nakita na siya nina Carla, 8 taon at Celine, 10 taong gulang kong mga anak at magiliw naman sa kanya ang dalawang bata. Pero ang sabi agad ni Melba sa akin ay hindi niya yata matatanggap na maging instant mommy siya. Ako lang ang gusto niyang kasama at hindi kasali sa usapan ang mga anak ko. Hindi rin aniya siya kampante sa aming bahay na nagpapaalala na mayroon akong ibang minahal.

Gusto ko po seryosohin ang relasyon namin ni Melba pero mukhang hindi uubra dahil ayaw niyang mahalin ang aking mga anak. Sinabi ko kay nanay ang problema kong ito at ang sabi niya ay humanap na lang ako ng ibang partner na hindi nag-iilusyon na binata ako.

Mababait naman ang mga anak ko, ano po ang dapat kong gawin?

Nagpapasalamat at gumagalang,

William 

Dear William,

Sundin mo ang payo ng iyong ina. Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi tumitingin sa iyong nakaraan, higit sa lahat ay may pagtanggap sa lahat ng bagay na tungkol sa iyo.

Malinaw naman na sa mga sinasabi ng iyong girlfriend ay hindi niya gusto ang iyong mga anak at hindi niya gustong maging ina nila. Kaya pag-isipan mong mabuti at tiyakin sa sarili kung ang tipo ba ni Melba ang ideyal na paglalaanan mo ng iyong panahon at sa hinaharap ay maging ina ng iyong sambahayan.

Ang buhay ay nasa reyalidad, kaya hindi dapat mamuhay sa ilusyon.

DR. LOVE 

vuukle comment

ANAK

CARLA

CELINE

DAHIL

DEAR WILLIAM

DR. LOVE

ISA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with