^

Dr. Love

Nagsalawahan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi, Doc. Isang mapagpalang araw sa iyo at pati sa mga mambabasa mo.

Tawagin mo na lang akong Bernard, 26- anyos. Mayroon akong kasintahan. Tawagin mo na lang siyang Ditas.

Mula pa sa high school ay girlfriend ko na si Ditas at hanggang pareho kaming matapos sa college ay kami pa rin.

Akala ng iba ay magkakatuluyan kami dahil  halos sampung taon na ang aming relasyon.

Pero mataas ang pangarap ko para sa aming­ dalawa. Hindi ko siya pinakasalan at nagkasundo kami na magtatrabaho ako sa Saudi Arabia. Civil engineering kasi ang tinapos ko at na-attract ako sa malaking offer ng isang kompanya sa Saudi.

Sabi ko kay Ditas ay magtatrabaho muna ako sa Saudi ng dalawang taon para makapag-ipon kami.

Noong una ay okey ang pagsusulatan namin. Pero matapos ang isang taon ay hindi na siya sumasagot sa mga sulat ko at kahit sa email.

Nabalitaan ko na nag-asawa na siya. Parang nag-iba ang lahat ng pinapangarap ko para sa amin. Pati sa trabaho ay nawalan na ako ng gana kaya umuwi na lang ako. Ngayon ay lagi akong umiinom ng alak kasama ang aking mga kaibigan. Palagi ang gimmick para makalimot.

Paano ko siya malilimot, Dr. Love?

Bernard

Dear Bernard,

Wala ka nang magagawa kaya huwag mong sirain ang kinabukasan mo. Mabuti nga ay nakita mo habang maaga ang pagiging sala­wahan niya. Blessing in disguise iyan.

Paano kung nagpakasal kayo at kinaliwa ka niya?

Huwag mong pahintuin sa pag-inog ang mundo dahil lang sa kanya. Move on, Bernard.

Dr. Love

 

vuukle comment

DEAR BERNARD

DR. LOVE

HUWAG

ISANG

MAYROON

MULA

NABALITAAN

PAANO

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with