^

Dr. Love

Aalis ba o hindi?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magdadalawang taon na po kaming nagsasama bilang mag-asawa ni Julius, nakatira kami sa bahay ng kanyang mga magulang na alam ko sa simula pa lang ay tutol sa aming relasyon.

Magkaganon man ay patuloy akong naki­kisama alang-alang sa pagmamahal ko kay Julius. Umaasa rin po ako na magbabago ang trato niya sa akin, lalo pa’t dinadala ko ang pa­ngalawa naming anak. Nananalig din po ako na balang araw ay aalukin niya ako ng kasal.

Pero may mga pagkakataon na nahihirapan ako ng husto sa pag-estima sa aking biyenang hilaw. Dahil palagi niyang ipinamumukha sa akin na ang childhood sweetheart ni Julius na si Grace ang gusto niya para sa kanyang anak.

Sa totoo lang po, sinisisi ko rin ang ina ni Julius kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng sariling dispo­sisyon para sa aming lumalaking pamilya. Nananatili po kasi siyang nakatali sa bantang hindi pamamanahan ng kanyang ina kapag hindi sumunod sa gusto nito.

Parang isang bata po ang turin niya kay Julius kaya hindi rin po marahil nagma-mature ang utak nito. Dahil kuntento na lang sa pag-asa sa maraming bagay sa kanyang ina.

Pagpayuhan po ninyo ako dahil nakaka­isip na akong umalis sa poder ng pamilya ni Julius­ dahil sa klase ng trato, lalo na ng kanyang ina sa akin.

Gumagalang,

Sofia

Dear Sofia,

Sinasabi mong mahal mo si Julius sa kabila ng kawalan niya ng disposisyon sa buhay. Kung mananatiling ganito ang paniniwala mo, dapat wala kang problema. Dahil magagawa mong magtiis, magsakripisyo dahil sa pagma­mahal. Pero sa isang banda, kung ang pag­titiis ay nagiging malaking banta, halim­bawa sa iyong kalagayan…mag-isip ka uli para wala kang pagsisihan.

Kung mananatili ka o aalis na sa sitwasyong kinasasadlakan mo ngayon, tanging ikaw lang ang makakapagpasya.

Samahan mo ng dasal ang lahat bago ka magdesisyon para makuha mo ang gabay ng Maykapal.

DR. LOVE 

vuukle comment

DAHIL

DEAR SOFIA

DR. LOVE

GUMAGALANG

JULIUS

MAGKAGANON

MAYKAPAL

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with