^

Dr. Love

May asawa na ang boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa alyas na Techie, isang registered nurse na nagtatrabaho sa isang govern­ment hospital.

Nakilala ko si Jimmy dahil isa siya sa mga pasyenteng inalagaan ko sa ospital.

Bata pa siya sa edad na 20-anyos habang ako’y 25-anyos na.  Nagkaroon kami ng relasyon pero hindi ko alam na may asawa na pala siya.

Huli na nang malaman ko ang lahat. Nasa Amerika pala ang asawa niya. Hindi ko sukat akalain na sa batang gulang niyang ‘yun ay may misis na pala siya.

Nakipag-break ako sa kanya pero ayaw niya. Mahal daw niya ako at napilitan lang siyang magpakasal sa asawa niya dahil nilinlang siya nang sabihin nitong siya’y nagdadalantao.

Naguguluhan ako ngayon. Tulungan mo po ako.

Techie

Dear Techie,

Huwag mo nang pagulihan ang isip mo. Alam mo naman na ang pinakatamang maga­gawa mo ay makipag-break sa kanya.

Mukhang wala pa sa wastong pag-iisip ang boyfriend mong iyan kaya paano ka liligaya sa ganyang lalaki?

Malay mo, sasapitin mo rin ang sinapit ng kanyang asawa.

Kaya payong kaibigan, makipag-break ka sa kanya.

Dr. Love

 

vuukle comment

AKO

ALAM

BATA

DEAR TECHIE

DR. LOVE

HULI

HUWAG

NASA AMERIKA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with