^

Dr. Love

Sino ang pipiliin?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka at bumabati ako sa iyo ng mabiyayang araw. Mangyaring huwag mo nang banggitin ang tunay kong pangalan. Tawagin mo na lang akong Ms. Confused, 19-anyos.

Confuse ako dahil sa dalawang lalaking pa­reho kong mahal. Ang isa ay dati kong boyfriend for one year na nakipag-break sa akin dahil nag­karoon ng iba.

Dahil broken hearted ako, sinagot ko ang isang manliligaw ko na may pagtingin din naman ako. Napamahal din siya sa akin sa loob ng three months naming relasyon.

Hindi ko sukat akalain na pupuntahan ako ng una kong boyfriend para humingi ng tawad. Sinabi ko na sa kanya na may bago akong boyfriend pero iginigiit niyang magbalikan kami.

Gulung-gulo ang isip ko. Hindi ko malaman kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Kahit nagtaksil sa akin ang una, mahal na mahal ko siya.

Ngunit mahal ko rin ang boyfriend ko nga­yon. Ano ang gagawin ko?

Ms. Confused

Dear Ms. Confused,

I cannot decide for you dahil hindi ko nadarama ang iyong damdamin. Ikaw lang ang makakaalam kung sino sa kanila ang mamahalin mo.

Alam mo namang hindi puwede na magmahal ng dalawa. Sa desisyon mong gagawin, may masasaktan at may liligaya.

Baka ang iniisip mo’y ayaw mong makasakit ng damdamin. Sa ayaw mo at sa gusto, dapat kang magdesisyon at ikaw lamang ang makakaalam kung sino ang pipiliin mo.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

ANO

DAHIL

DR. LOVE

GULUNG

IKAW

KAHIT

KUMUSTA

MS. CONFUSED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with