^

Dr. Love

Gustong magparetoke ng ilong

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Boyfriend ko pa lang si Anthony ay naiilang na po ako kapag ang mga kaibigan ko ay kinikilig sa kanya dahil pogi siya at matangos ang ilong na mapagkakamalang may lahing kano.

Madalas akong tanungin ng mga kaibigan ko kung anong klaseng agimat ang gamit ko para maakit ko ang isang tulad ni Anthony. Hindi naman po ako pangit dahil may maganda naman akong mga mata. Kaya lang ako na mismo ang magsasabing pango po ang aking ilong dahil wala akong balingusan.

Sa takot ko po na maagaw pa ng iba ang boyfriend ko, nang magyaya na siyang pakasal ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na pumayag. Pero kahit misis na niya ako, hindi pa rin nawawala ang kawalan ko ng seguridad dahil pogi ang mister ko at lapitin ng babae.

Para mawala ang mga agam-agam kong ito, lihim akong kumukunsulta sa doctor na mahusay sa face lifting para maremedyuhan ang aking ilong na pango. Nag-iipon na ako ng pera para sa operasyon kahit hindi ko pa napapaalam sa aking mister ang tungkol dito. Reretokehin ang ilong ko para magkaroon ng balingusan o bridge. Kung gusto ko rin daw ay pwedeng gawing tsinita ang mga mata ko.

Pero bago pa ako makapagpaalam sa mister ko tungkol sa aking pagpapa-nose lifting, nakaabot na sa kanya ang balita. Ang sabi niya ay hindi ko kailangan na magparetoke ng mukha para mawala ang aking pangamba na iiwanan niya ako dahil pango ang aking ilong. Kung gusto raw niya ang asawa na may matangos na ilong, hindi ako ang pinakasalan niya. Hindi aniya ang kagandahan ng mukha ang hinabol niya sa akin kundi ang kagandahang panloob.

Naiyak po ako sa sinabi niyang ito at sa kawalan ko ng tiwala sa pagmamahal niya sa akin at noon din ay naglahong parang bula ang obsesyon ko na magparetoke.

Maraming salamat Dr. Love sa pagbibigay-daan mo sa sulat ko.

Gumagalang,

Maria Paz

Dear Maria Paz,

Isa lang ang masasabi ko sa iyo, ang haba ng hair mo! Dahil talagang napakaswerte mo hindi lang sa pagkakaroon ng poging asawa, kundi sa kanyang tapat na pagmamahal sa iyo.

Alam kong na-realize mo na ang dapat mo ma-realize, kaya tulungan mo rin ang iyong sarili na laging mangibabaw ang pagiging bukod-tangi mo sa paningin ng iyong asawa kumpara sa sino mang babae na kinikilig sa kanya.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

AKO

ALAM

DAHIL

DEAR MARIA PAZ

DR. LOVE

MARIA PAZ

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with