^

Dr. Love

Christmas party

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto ko pong ibahagi ang aking magandang kasaysayan sa pag-ibig. Tawagin mo na lang akong Cindy, isang office worker.

Parang kamakailan lang ay naganap sa akin ang isang magandang love story na ako at ang aking husband ngayon ang main character.

Nagtatrabaho kami ng asawa ko sa isang kompanya. Secretary ako ng aming manager, ang asawa ko ay isang janitor bago kami nagkatuluyan.

Masyado akong mapagmataas noon. Alam kong may gusto siya sa akin dahil sa kanyang mga patutsada at pasaring. Asar na asar ako sa kanya kahit pa guwapo siya. Ayaw kong mag-asawa ng isang janitor lamang.

Pero nang magkaroon kami ng Christmas party last year, naging magka-partner kami sa isang parlor game. ‘Yun bang nagsasayaw sa ibabaw ng newspaper at paliit nang paliit ang diyaryo sa katutupi.

Kami ang nanalo noon at nang kargahin niya ako at yakapin ng matipuno niyang katawan ay kakaiba ang naramdaman ko. Nagbago ang pagtingin ko sa kanya at parang whirlwind court­ship ang nangyari. Sinagot ko siya at itinakda ang aming kasal sa marangyang hotel at ma­tataas na tao ang mga bisita.

Hindi ko sukat akalain na siya pala ay malapit na pamangkin ng may-ari ng kompanya na nagpanggap lamang na janitor para obserbahan ang performance ng mga empleyado.

Hiyang-hiya ako nang malaman ko ito mga isang linggo bago ang aming kasal. Pero napa­kalaking blessing nito na maituturing ko at nagkaroon din ako ng lesson na huwag mamaliitin ang sino mang tao. Ngayon ay nakatakda na akong magsilang ng aming first baby sa January.

Salamat sa pagpapaunlak mo sa sulat ko.

Cindy

Dear Cindy,

Tama ka. Do not judge a book by its cover. Hindi komo mukhang hamak ang tao ay dapat nang maliitin.

Kung minsan, kahit totoo pang mababa ang kalagayan sa buhay ay maaaring may mabu­ting kalooban ang isang tao na hindi puwedeng ipagpalit sa ano mang kayamanan.

Aanhin mo naman ang tunay na matayog ang kalagayan kung asal-hayop, hindi ba?

Sana ay magsilbing aral din ito sa ibang tagasubaybay natin na baka magkaroon din ng magandang kapalaran tulad ng sa iyo.

Dr. Love

 

vuukle comment

AANHIN

AKO

ALAM

CINDY

DEAR CINDY

DR. LOVE

ISANG

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with