^

Dr. Love

Na-spoil sa tita

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Natagpuan ko ngayon ang sarili sa isang ka­kaibang sitwasyon kung saan sinisisi ako ng aking nakakatandang kapatid dahil sa kinahinatnan ng kanyang anak na babae, matapos itong mabuntis at ayaw panagutan ng lalaki.

Sa akin po nakatira at ako ang nagpapaaral kay Gilda. Ito ay makaraang humingi ng tulong si kuya para makapag-aral ang kaisa-isang babae niya sa 7 anak.

Dahil boarding house ako na malapit sa isang malaking unibersidad at ako naman ay matandang dalaga, itinrato kong tunay na anak ang aking pamangkin na katuwang ko rin sa aking kabuhayan.

Maganda ang samahan namin at sa bawat araw ay lagi siyang busog sa mga pangaral. Hindi ko naman akalain na ang kabaitan ko ay sasamantalahin niya at nakikipagmabutihan na pala siya sa kung sinong lalaki.

Magtatatlong buwan na ang dinadalang sanggol ni Gilda nang magtapat siya sa akin. Ang problema anya, ayaw siyang panagutan ng ama ng bata. Noon din ay ipinatawag ko ang aking kuya para isangguni kung ano ang dapat gawin.

Ipinahanap ni kuya ko sa kaibigan niyang pulis ang lalaki at nang matunton ay nagkasundong, tutulong siya sa gastusin sa pagsilang ng sanggol habang ang tungkol sa kasal ay saka na lang daw pag-usapan kapag handa nang mag­ pamilya ang lalaki.

Nasa poder ngayon si Gilda ng lalaki. Hindi niya nakayanan ang hindi magandang trato sa kanya doon kaya nagmakaawa sa akin na bumalik. Tinanggap ko po siya at dito na ako nasisi ng aking kapatid na kunsintidorang tiyahin.Tama po ba ang ginawa ko Dr. Love? Hindi ko matiis ang aking pamangkin dahil itinuring ko na nga siyang anak. Nais ko lang naman siyang maibangon uli sa kinalugmukan para hindi mapariwara ang buhay. Hindi ko po matanggap ang bintang ng kapatid ko na isa akong kunsintidorang tiya. 

Payuhan mo po ako. 

Gumagalang,

Lucita 

Dear Lucita,

Lahat ay deserving sa second chance. Hindi ako naniniwalang mali ang naging desisyon mo. Dahil kung sakali ay maaaring lumala pa ang sitwasyon kung saan hindi lang sa iyong pamangkin makakaapekto kundi maging sa sanggol na dinadala niya. Tsaka ka na lang humingi ng sorry sa kuya mo, maiintindihan din niya ang na­ging desisyon mo.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

AKO

DAHIL

DEAR LUCITA

DR. LOVE

GILDA

GUMAGALANG

IPINAHANAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with