Hindi sinipot ang bf
Dear Dr. Love,
War kami ngayon ng girlfriend ko. Ang dahilan, binitin niya ako sa usapan naming mag-weekend sa Tagaytay. Pumayag siya na sumama sa akin, bilang selebrasyon ng aming unang taong relasyon.
Hindi ko kinakitaan si Perla na nagdadalawang-loob sa aming usapan. Pero nang araw na magkikita kami sa aming tagpuan, namula at namuti ako sa paghihintay.
Nag-text lang siya sa akin na hindi siya makakasipot sa aming date dahil nagkaroon ng problema sa kanilang tahanan. Sa buwisit ko, hindi ko na hinintay pa ang ibang paliwanag niya. Parang nagpapakipot lang siya.
Hindi ako ang unang boyfriend ni Perla. Bago ako, mayroon siyang nobyo na tumagal ng 5 taon pero nauwi sa pagtalikod ng lalaki. Hindi ko iniaalis sa isip ko na maaaring nagkaroon na ng karanasan si Perla sa una niyang boyfriend at ngayon nga, ako naman ang pinahihirapan.
Tingin po ninyo, iniwasan lang ng nobya ko na madiskubre ko kung siya ay isa pang virgin? Ang sabi niya sa akin, wala pa siyang karanasan sa sex.
Ano po ang maipapayo ninyo sa akin? Kailangan ko bang pakinggan pa ang mga “alibi†niya sa akin?
Gumagalang,
Nilo
Dear Nilo,
Hindi mo dapat na ikagalit ang pagtanggi ng iyong nobya na magkaroon kayo ng premarital sex. Dapat nga, magpasalamat ka at ang nakuha mong girlfriend ay marunong mangalaga sa kanyang puri.
Ang isang babaeng mayroon nang karanasan ay hindi matatakot na makipagsiping sa nobyo kahit wala pang basbas ng pari o huwes.
Kung talagang mahal mo si Perla, hindi mo ito gagamiting daan para siya ay layuan o kalasan kundi dapat mo nga siyang ipagmalaki bilang isang babaeng disente.
DR. LOVE
- Latest





















