^

Dr. Love

Handang magparaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Iisang babae ang nakursunadahan ko at ng aking­ step-brother. Naunang nanligaw ang utol kong si Marcial kay Maryann, isa niyang kaklase sa college nang makilala ko siya.

Kapatid ko po sa ina si Marcial, nasa poder siya ng kanyang tatay. Magkasundo kami sa kabila nang kalagayan ng aming buhay, Dr. Love. Nang minsang magbakasyon ako sa bayan nina Marcial, ikinuwento niya sa akin si Maryann at nang magkaroon ng pagkakataon ay ipinakilala niya ako.

Hindi ko itinago sa utol ko ang pagkakursunada ko kay Maryann, kahit alam kong nililigawan na niya ito. Sinabi niyang okey lang kung manliligaw din ako at “may the best man win.”

Kahit pa nakauwi na ako sa aming bahay sa Quezon City ay tuluy-tuloy ang komunikasyon namin ni Maryann thru email at cellphone. Pero nalungkot ako Dr. Love nang malaman kong basted na si Marcial kay Maryann. Dahil ako raw ang kursunada.

Alam kong malungkot din si Marcial, hindi lang niya pinahalata. Na-guilty naman ako dahil kung hindi siguro ako pumasok sa eksena... pero naisip ko rin na hindi ko naman mapipilit si Maryann kung hindi niya talaga type si Marcial.

Nagpasya akong putulin ang pakikipag-komunikasyon kay Maryann, Dr. Love. Akala ko ikatutuwa ito ni Marcial pero nagalit siya. Gusto ko pong balikan ni Marcial ang babaeng mahal niya. Tama po ba ang ginawa kong ipaubaya si Maryann kay Marcial?

Maraming salamat po at more power to you.

Gumagalang,

Anthony

Dear Anthony,

Sa palagay ko ay mas matimbang para sa iyo ang damdamin ng iyong kapatid sa ina kaysa sa babaeng pareho ninyong niligawan.

Wala akong nakikitang masama roon. Dahil sakaling naging kayo ni Maryann, hindi na­man magiging ganap ang kaligayahan mo dahil alam mong nasasaktan ang utol mo.

Isa kang mabuting kapatid dahil handa kang magpaubaya para sa kaligayahan niya. Hangad ng column na ito na maging mata­gumpay ka pa sa iyong buhay. God bless you.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR ANTHONY

DR. LOVE

MARCIAL

MARYANN

NIYA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with