^

Dr. Love

Insecure

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pinapauna ko na ang aking pagbati sa iyo at sa laksa mong tagasubaybay ng isang Maligayang Pasko at masaganang Bagong Taon.

Tawagin mo na lang akong Elba, 42-anyos at ang asawa ko na bata sa akin ng isang taon ay nagtatrabaho sa Saudi.

Bagama’t hindi napuputol ang re­mit­tance ng kanyang sahod, nangangamba akong nawawalan na siya ng pagmamahal sa akin.

Dati po ay madalas kaming mag-usap sa cellphone o kaya’y  sa chat sa facebook. Ngayon ay napakadalang niyang mag-on-line.

Wala pa kaming anak dahil nang una siyang mag-abroad ay bagong kasal pa lang kami.

Sinabihan ko na siyang tumigil na tutal ay nakaipon na kami at may sarili nang bahay.

Ano ang gagawin ko?

Elba

Dear Elba,

Kakaiba nga ang relasyon ninyong mag-asawa. Hindi mo nasabi kung ilan taon na kayong kasal pero sa gulang mong 42, palagay ko’y may katagalan na.

May katuwiran ka ngang maging insecure dahil naturingan kayong mag-asawa ay magkalayo naman kayo.

Sa muling pag-uusap ninyo, himukin mo siyang mag-finish contract at magpundar na lang kayo ng negosyo. Baka nakakalimot siyang may edad na kayo.

Dr. Love

 

vuukle comment

ANO

BAGAMA

BAGONG TAON

DATI

DEAR ELBA

DR. LOVE

ELBA

KAKAIBA

MAG

MALIGAYANG PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with