^

Dr. Love

Nabigo ang winner

-

Dear Dr. Love,

Hello po at bumabati na rin ako sa mga loyal readers ng iyong column.

Please, huwag mo nang sabihin ang totoo ‘kong pangalan. Just call me Winnie, 19-anyos­ na po ako at “Winnie” ang pinili ‘kong alias dahil I always win what my heart desires.

Kapag may natipuhan akong lalaki, siguradong mapapasa-akin. Inggit nga ang mga ka­tropa ko dahil may gayuma raw ako. Hindi naman siguro kundi talagang maganda lang ako, naks.

Pero lately, mukhang nasira ang batting ave­rage ko sa mga lalaki. May crush ako. Tawagin mo na lang siyang Raymond. Guwapo siya sa lahat ng nagustuhan kong lalaki. Pero kahit anong pa-charming ang gawin ko ay hindi tumatalab.

Minsan, napahiya ako sa mga barkada ko nang sabihin niya na maganda ako pero hindi niya ipagpapalit ang siyota niya sa akin. Kilala ko ang siyota niya. Hindi naman pangit pero I know mas maganda ako.

Masakit ang loob ko sa nangyari. Ano ang advice­ mo?

Winnie

 

Dear Winnie,

To be frank with you, aral iyan sa iyong kaya­bangan para bumaba ka ng bahagya. Isa pa, napakalaswa sa isang babae ang kumi­kireng­keng sa lalaki. Kung totoong maganda ka, hindi na dapat magpa-charming dahil lalaki ang kusang lalapit sa iyo lalo pa’t nakikita nilang hindi ka lang maganda kundi mahinhin pa. Magpalit ka na ng alias. Huwag nang Winnie kundi Lucy as in looser. Hindi sa nang-iinsulto ako sa iyo pero gusto lang kitang magbago. Iha, baguhin mo na ang palso mong ugali.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR WINNIE

DR. LOVE

GUWAPO

HUWAG

PERO

SHY

WINNIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with