^

Dr. Love

Ipinaubaya ang pag-ibig

-

Dear Dr. Love,

Humahanga po ako sa mga payo ninyo kaya sumulat na rin ako para mabigyan ninyo nito kaugnay sa problema ko sa pag-ibig.

Nasa 21 years old pa lang ako nang makilala si Jojo. Nakasabay ko siya sa eroplano nang minsan pauwi ako sa aming probinsiya. Na-love at first sight ako sa kanya. Nang minsang mag-aya siya ng beach party dahil birthday niya. Isinama ko ang nakababatang kapatid ko na si Donna na natipuhan din siya.

Nang gabing iyon ay nagtapat ng damdamin sa akin si Jojo. Bibisita raw siya sa boarding house ko at susunduin niya ako sa paaralang pinapasukan.

Nauna akong bumalik sa Maynila para mag-enroll sa second semester sa medicine.  Sinabi ni Donna na siya ang bahalang mag-entertain kay Jojo at imbitado ito sa isang party ng kanyang kaibigan.

Isang araw, biglang sumipot sa boarding house si Jojo. Sinabi niya sa akin na may nangyari sa kanila ni Donna. Dahil nilasing siya nito. Pero sinabi niyang hindi niya iniibig ang kapatid ko dahil ako daw ang gusto niya.

Pinayuhan ko siyang layuan na ako. Pero nang magdalan-tao si Donna, ako mismo ang humanap sa kanya para papanagutin sa kapatid ko. Mahal ko ang aking kapatid at handa kong isakripisyo ang sariling damdamin alang-alang sa kanya. Pero nagkamali pala ako. Dahil hindi naging maligaya ang kanilang pagsasama. Ako pa rin daw ang mahal niya.

Ngayon ay nagkahiwalay na ang dalawa. Hindi na nakatapos ng pag-aaral si Donna at hindi rin nakapasa sa board si Jojo. Malapit na akong makatapos ng internship sa pagkadoktor. Malimit pa rin magpakita sa akin si Jojo bagaman hindi ko siya kinakausap. Ano po ba ang mabuti kong gawin? Inaamin ko na crush ko pa rin siya pero hindi ko nais na maging sagabal sa posibilidad na pagbabalikan nilang mag-asawa. Payuhan mo po ako.

Abigail

 

Dear Abigail,

Pilitin mo na lang kalimutan si Jojo dahil asawa na siya ng kapatid mo kahit pa hiwalay na sila. May anak na sila. Payuhan mo siyang ayusin na ang kanilang buhay na mag-asawa alang-alang sa kanilang anak.

Dahil may mabuti kang kalooban, natitiyak ko na makakatagpo ka ng higit na makapag­pa­paligaya sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAHIL

DEAR ABIGAIL

DR. LOVE

JOJO

NANG

PAYUHAN

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with