^

Dr. Love

"Bobo" ang boyfriend ko

-

Dear Dr. Love,

Bayaan mo munang batiin kita ng mainit na pagbati pati na ang mga masugid mong tagasubaybay.

Tawagin mo na lang akong Milaflor. May ka­sintahan ako for three months pero gusto ko nang i-break. Noong una’y attracted ako sa kanya­ dahil guwapo. Matangkad siya at artistahin.

Pero habang nagtatagal ay tinatabangan na ako sa mga natutuklasan kong kapintasan niya. Dr. Love, bobo siya to the max!

Hindi ko siya ma-engage sa intelligent discussion. Kung mag-Inggles siya ay tagilid. Mali-mali ang grammar.

Hindi mo naitatanong, isa akong full scholar­ sa isang kilalang pamantasan taking up AB lite­rature­.

Dapat ko ba siyang i-break? Tinatanong ko ito sa iyo dahil may feeling of love pa rin naman ako sa kanya. Kaso baka dumating ang araw na pag-awayan namin ang kanyang kabobohan.

Milaflor

 

Dear Milaflor,

Nasa iyo ang huling pasya pero tingin ko’y tama ka. Dapat mas matalino ang lalaki sa babae dahil siya ang mamumuno sa pamilya.

Totoo ang sapantaha mong posibilidad na baka mag-away kayo balang araw dahil sa ka­walan niya ng kakayahang magdesisyon sa inyong pamilya.

Pero kung mahal mo pa siya, puwede ka namang magpakababa. Kahit matalino ka sa kanya, bayaan mo siyang gumawa ng desisyon pero sa disimuladong paraan ay dagdagan mo ng sarili mong ideya para maitama ang kanyang desisyon.

Dr. Love

vuukle comment

BAYAAN

DAPAT

DEAR MILAFLOR

DR. LOVE

INGGLES

KAHIT

KASO

MATANGKAD

MILAFLOR

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with