Ipinaako ang anak sa pagkadalaga

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati na punumpuno ng biyaya ang ipinaaabot ko sa iyo.

Sana mapansin mo ang liham ko. Itago mo na lang ako sa pangalang Judy, 35 anyos at may asawa. Nagkasala ako nang mabigat sa aking asawa. Natuklasan niyang hindi siya ang ama ng aming panganay. Ang masaklap pa ay sa ibang tao niya ito nala­man kaya ganoon na lamang ang pagka­suklam niya sa akin.

Matagal ko nang pinagsisisihan ang lahat, pero nagkulang pa rin ako dahil hindi ko ipinagtapat sa kanya ang pagkakaroon ng affair sa ibang lalaki bago pa niya ako ligawan.

Hindi ko siya masisisi, Dr. Love dahil kung ako man ang nasa kalagayan niya ay mahihirapan din akong magpatawad.

Magkasama pa rin kami sa iisang bubong pero mahigit sa isang taon na kaming hindi nagkikibuan.

Ano ang dapat kong gawin?

Judy

Dear Judy,

Ikaw ang nagkamali kaya huwag kang mapagod na humingi ng tawad at mag­pa­kumbaba. Samahan mo rin ng dasal ang bawat hakbang na gagawin para sa inyong relasyong mag-asawa. Naniniwala ako na lalambot din ang tumigas niyang puso sa takdang panahon na maghilom na ang sugat.

 Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@philstar.net.ph.)

Show comments