Tutol ang mga magulang
September 1, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Cris, 21 years-old. Sa edad kong ito ay hindi ko pa alam kung paano lutasin ang problema ko. Ang problema ko ay tutol ang mga magulang ko at pati mga kamag-anak ko sa aking boyfriend.
Tawagin na lamang natin siyang Ed. Sa kabila ng nakaraan niya ay maluwag ko siyang tinanggap. Sa una pa lang ay alam ko na ang tungkol sa kanyang buhay. Pero sa kanya ko natutunan ang magmahal at mahalin.
Noong una ay masaya ang relasyon namin. Walang araw na hindi kami masaya. Pero nakarating sa mga magulang ko ang relasyon namin at simula noon ay pinaghigpitan na nila ako. Pinatigil nila ako sa trabaho kahit na maganda sana ang puwesto ko sa trabaho. Itinago nila ako sa probinsiya ng ilang linggo. Pati mga kaibigan ko ay hindi na nakakapunta sa amin dahil nadamay sila sa galit ng mga magulang ko.
Pero lingid sa kaalaman nila ay patuloy kaming nagkikita at nagkakausap ng boyfriend ko sa tulong ng mga taong nakakaunawa sa amin. Alam kong mali ang ginagawa namin. Gusto ni Ed na pumunta sa amin pero natatakot ako sa maaaring gawin sa kanya ng mga magulang ko. Binalaan na kasi nila si Ed.
Kahit na masama ang magkita kami sa ibang bahay ay pumapayag na rin ako dahil mahal na mahal ko si Ed. Marami nang pagsubok ang dumating sa buhay at relasyon namin at minsan ay naiisip kong bumitiw na. Pero natatalo ang puso ko ang aking utak.
Sana ay matulungan ninyo ako sa aking problema. Hindi ko po alam ang aking gagawin.
Gumagalang,
Cris
Dear Cris,
May trabaho ka na at nasa hustong gulang. Wala nang karapatan ang mga magulang mo na manghimasok sa mga desisyon mo tungkol sa pag-ibig, maliban sa magbigay ng payo.
Maliban na lamang kung ang boyfriend mo ay may asawa o hiwalay sa asawa. Sa kasong itoy hindi maiaalis sa mga magulang ang hadlangan ang ganyang relasyon.
Ano ba ang sinasabi mong "nakaraan" ng boyfriend mo? Iyan siguro ang rason kung bakit tumututol ang iyong mga magulang sa inyong relasyon.
Pero kung ang kasintahan moy walang asawa, kahit pa siya ay ex-convict o may kapansanan, kung mahal mo siyay go for it.
Ano ba talaga ang kalagayan niya?
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended