Selosa po ako
February 12, 2002 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hello! Kumusta po kayo at iba pang miyembro ng PSN staff. Isa po ako sa tagasubaybay ng inyong column.
Sa edad na 20, may asawa na po ako bagaman hindi pa kami kasal at wala pang anak.
Alam kong mahal ako ng aking asawa at maraming nagsasabi sa akin na masuwerte raw ako dahil bukod sa mabait ito ay mayroon pang mahusay na trabaho. Manager siya sa kanilang opisina at bukod dito ay maalalahanin din siya.
Wala akong problemang pinansiyal at ang katotohanan niyan, pinahinto niya ako sa pagtatrabaho dahil gusto na naming magkaanak. Pero hanggang ngayon ay wala pa at narito nga lang ako sa bahay ng kanyang pamilya.
Ang problema ko pong idudulog ay ang aking pagiging selosa.
Dati naman ay hindi ako masyadong selosa, pero ngayon, sobra-sobra. Laging nasa isip ko na sa trabaho niya ay maaaring maakit siya sa ibang babae.
Kapag umuuwi siya ng alas-9 ng gabi, inaaway ko siya dahil gusto ko ay alas-8 pa lang ay nasa bahay na siya.
Kagaya na lang nang magpunta siya sa Maynila nang 10 araw. Selos din ang aking pinairal.
Ang nasa isip ko, may kasama siyang ibang babae. Hindi naman sa pagmamalaki, guwapo kasi ang mister ko. Mahal na mahal ko siya at ayaw kong matulad siya sa ibang mga kasamahan niya na may mga babae at ayaw kong matulad sa Mama ko. Mula ako sa isang broken family.
Ang pangamba ko, baka magsawa siya sa kadadada ko at iwanan niya ako.
Paano ko kaya maaalis ang pagseselos? Ang sabi niya, okey daw ang pagsasama namin pero hindi niya kaya ang aking selosang ugali.
Hindi ko po alam ang gagawin ko.Tulungan po ninyo ako.
Cancer Girl
Dear Cancer Girl,
Alam mo palang selosa ka at alam mong hindi tama ang iyong ginagawa.
Maaaring insecure ka sa sarili mo dahil bukod sa hindi pa kayo kasal ng iyong asawa, hindi ka pa magkaanak at isa pa ay mula ka sa isang broken family.
Kailangang ma-overcome mo ang mga insecurities na ito.
Tandaan mo lang na baka tuluyan kang iwanan ng asawa mo kung hindi mo aalisin ang masamang ugaling ito.
Bagaman hindi naman masama ang magselos dahil tanda raw ito ng pagmamahal, ang sobra naman nito ay nakakasunok at nakakapagpawala ng respeto.
Habang hinihintay mo na magdalang-tao ka, bakit kaya hindi mo subukang magtrabaho ulit at baka mawala ang pagkabagot mo sa paghihintay sa iyong asawa.
Imungkahi mo ito sa iyong asawa. Bukod dito, ungkatin mo kung kailan kayo magpapakasal para kung magsilang ka ay hindi illegitimate ang bata.
Ang ikatatagal ng inyong pagsasamahan ay nasa mahusay mong pagdadala ng inyong samahan.
Hindi mo naman dapat ipakitang sunud-sunuran ka na lang sa iyong asawa. Pero ipakita mo sa kanyang dapat niyang irespeto ang sarili mong desisyon.
Magpatingin ka rin sa manggagamot para alamin kung ano ang problema mo dahil hindi ka pa magkaanak.
Alisin mo sa iyo ang masamang iniisip at matuto kang magtiwala sa iyong asawa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended