^

Dr. Love

Grow up, Ella

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Sumulat po ako para humingi ng payo ninyo. Isa po ako sa inyong mga tagasubaybay. Nakakapagbigay ako ng payo sa mga kaibigan ko pero ang problema ko ay hindi ko malutas.

Mayroon po akong boyfriend dati. Matagal na po kami–almost 6 years na. First love ko siya. Nag-live in din po kami. Away-bati kami lagi at kapag nagkakahiwalay kami ay nagkakaroon ako ng ibang mga boyfriend. Lagi ko po siyang inaaway at ipinahihiya sa mga tao. Nahirapan ako sa sitwasyon namin dahil pabago-bago ang aking desisyon. Gusto siya ng pamilya ko kaya lang ay ako ang may diprensiya.

Nang ikasal ang aking kapatid ay nagkakalabuan na kami. Isa siya sa mga abay at siya ang nakasalo sa garter ng bride. Nagtrabaho ako sa Cavite at nabalitaan kong ikakasal na siya. Mula noon ay gumuho na ang aking mundo at halos magpakamatay ako sa sakit na naramdaman ko. Napikot daw siya at gumulo na ang buhay ko simula noon. Minsang umuwi ako sa Quezon, pinuntahan niya ako at nagkalayo kami. Sinumbatan ko siya at hindi ko napigilan ang lumuha. Mahal pa rin daw niya ako at nabigla siya sa desisyon niya. Hinanap daw niya ako noon at nang hindi niya ako matagpuan ay natukso siya. Bago ako lumuwas ng Cavite, nangako siyang ipapawalambisa ang kanilang kasal at babalikan daw niya ako.

Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ko sa pangako niya. Mahigit dalawang buwan na ang lumipas at umaasa pa rin akong magkikita pa rin kami.

Dapat pa ba akong umasa o maghintay? Mahal pa kaya niya ako? Sana po ay payuhan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin.

Marami pong salamat.
Ella of Cavite


Dear Ella of Cavite,


Nang may relasyon pa kayo ng boyfriend mo, galit-bati kayo dahil sa hindi maintindihang andar ng utak mo. That is a clear sign of imaturity on your part.

Ngayong wala na siya sa iyo’y natanto mo kung gaano siya kahalaga sa iyo. But it’s too late dahil may asawa na siya.

Hindi madali ang annulment. Besides, kung hihiwalayan niya ang asawa niya for your sake, may isang pusong masasaktan at ikaw ang dahilan.

Ayusin mo ang sarili mo. Grow up and be mature before embarking into any future relation.

Dr. Love

AKO

CAVITE

DEAR ELLA OF CAVITE

DR. LOVE

ELLA OF CAVITE

ISA

KAMI

NANG

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with