^

Dr. Love

Dalawa kaming mahal niya

-
Dear Dr. Love,

First of all, I would like to greet you and all the PSN staff a good day.

First time ko pong sumulat sa inyo. Isa po ako sa masugid na sumusubaybay sa inyong column. Lagi ko po itong inaabangan dahil dito ko po nababasa ang mga magagandang advice tungkol sa iba’t ibang problema.

Kaya po ako sumulat ay dahil sa problema ko sa aking boyfriend.

Tawagin na lamang po ninyo akong Ms. Mam ng Tagum City, 18 years-old.

Dalawa po kami sa buhay ng aking boyfriend na tawagin nating Cancer Boy, 22 years-old. Ang isa pa niyang girlfriend ay tawagin nating Ms. Gang.

Gusto po kasi ni Ms. Gang na makipagkilala sa akin pero ayaw pumayag ni Cancer Boy dahil baka raw may masabi ang ibang tao.

Ang sabi ko sa aking boyfriend, ako na lang ang magpapaubayang lalayo dahil ako ang nakakaintindi sa kanya. Subali’t ayaw naman niyang pumayag dahil lalo lang daw siyang masasaktan.

Mahal ko si Cancer Boy at tinamaan talaga ako sa kanya. Siya ang ideal man ko. Super sweet siya, understanding at kung masaya ako ay masaya rin daw siya.

Ano ang dapat kong gawin? Alam ko na mabibigyan ninyo ako ng karapat-dapat na advice tungkol sa aking problema.

God bless you and more power.

Mam of Tagum


Dear Mam of Tagum,


Hindi normal ang magmahal sa dalawa lalo pa nga’t hindi malaman kung sino ang dapat na magparaya alang-alang sa ikatatahimik ng bawat isa sa inyo.

Kung sa palagay mo ay mahal mo siya at hindi mo kayang i-give up ang pagmamahal mo, makabubuting pamiliin mo na siya at igagalang mo naman ang kanyang kapasyahan.

Ang sa akin naman, ang isang lalaki kung talagang mahal ka niya, hindi niya nanaising magdamdam ka at aminin mismo na dalawa kayo sa kanyang buhay.

Ito ay isang pagpapakita lamang na ang mahal lang niya ay ang sarili at hindi alintana kung masasaktan ka o hindi.

Pag-aralan mo nang timbangin ang mga bagay-bagay. Irespeto mo ang sarili sa paggawa mo ng desisyon.

Tama ka, makabubuting lumayo ka muna sa kanya para higit mong mapag-aralan ang sarili mong damdamin.

Bata ka pa naman at hindi ka dapat na magmadali sa pagpapatali ng sarili sa isang lalaking hindi mo alam kung mahal ka nga o hindi.

Dr. Love

AKO

ALAM

CANCER BOY

DEAR MAM OF TAGUM

DR. LOVE

MAM OF TAGUM

MS. GANG

MS. MAM

TAGUM CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with