Magpinsan, magkasintahan
May 19, 2001 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Itago na lamang ninyo ako sa pangalang Mr. Virgo, 25 years-old. Ako po ay umiibig sa first cousin ko. Pareho naming mahal ang isa’t isa. Lalong tumindi ang pagmamahalan namin nang magkasama kami sa bahay ng auntie ko. Palagi kaming masaya, hanggang sa dumating sa puntong may nangyari sa aming dalawa na hindi namin pinagsisihan. Mahal ko po siya at hindi ako natatakot kahit na malaman pa ito ng aming mga magulang at kapatid.
Pinilit naming putulin ang relasyon namin hanggang sa nagkaroon ako ng nobya at siya naman ay nagkaroon ng boyfriend. Pero walang nangyari. Nagkabalikan ulit kami. Kahit na malayo kami sa isa’t isa ay nagagawa pa rin naming magkita at mag-usap sa telepono. Sadya yatang hindi namin kayang magkahiwalay kami.
Kailangan po ba naming ipagtapat ang relasyon naming ito? O patuloy namin itong itatago kahit na nahihirapan na kami?
Kasalanan ho ba ito sa Diyos at sa tao? Puwede ba kaming magpakasal sa simbahan?
Ano po ba ang dapat naming gawin? Sana po ay mapagpayuhan ninyo ako sa problema ko.
Thank you and God bless!
Sincerely,
Mr. Virgo
Dear Mr. Virgo,
Kahit na hindi mo siya pinsan ay kasalanan ang pagtatalik ng lalaki’t babae na hindi pa kasal.
At sa katanungan mo kung maaari kayong ikasal, marahil noong unang panahon ay puwede. Pero ngayo’y hindi pinahihintulutan lalo na ng simbahan ang pagpapakasal ng malapit na magkamag-anak tulad ninyong dalawa ng iyong first cousin.
Dapat ay magkasundo kayong tapusin na ang inyong relasyon. Kung magpapatuloy kayo, baka madamay pati ang inyong magiging mga anak. Madalas, ang mga batang anak ng couple na magkadugo ay isinisilang na may kapansanan.
Kaya bago maging huli ang lahat, huwag lang ang sarili ang inyong isipin kundi ang inyong kinabukasan at magiging mga supling.
Dr. Love
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended














