^

Dr. Love

Problema ni Susan

-
Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo? Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa dami ng mga natulungan ninyo. Ang buong akala ko ay hanggang sa pagbabasa na lang ako. Dr. Love, isa akong dalaga, 26-anyos. Ang problema ko ay tungkol sa boyfriend ko noong 18 pa lang ako. Hanggang ngayon ay mahal ko pa siya pero sa ngayon ay may asawa na po siya na hindi niya mahal. Dr. Love, kaya ko nasabi na hindi niya mahal ay dahil pinikot lang siya ng best friend ko. Doon kami nagkahiwalay ng boyfriend ko. Ano kaya ang dapat kong gawin? Sana ay mabigyan mo ako ng payo.

Gumagalang,
Susan ng San Vicente



Dear Susan,


Ang babaeng umiibig ay madaling maniwala sa boladas ng lalaking minamahal niya.

Alam mo iha, saan mang anggulo tingnan, hindi tama na ang isang dalagang gaya mo ay makipagrelasyon sa isang may asawa na.

Sa batas ng Diyos at tao, bawal iyan.

Sinasabi ng boyfriend mo na hindi siya masaya sa piling ng asawa niya dahil "pinikot" lang siya. Lumang alibi na iyan!

Iyan ang palaging sinasabi ng mga lalaking may asawa na ay nanliligaw pa sa iba.

Kawawa palagi ang misis. Laging siya ang lumalabas na walang kakayahang magpaligaya sa kanyang mister.

Hindi ako naniniwala sa pikot. Napipikot lamang ang lalaki dahil gusto niya. Kung ayaw ng lalaki, harangan man ng kanyon ay hindi siya ubrang piliting pakasal sa babaeng hindi naman niya gusto.

Kaya kalimutan mo ang lalaking iyan. Hindi maganda sa isang dalaga ang pumatol sa may asawa. Lalabas kang tagawasak ng pamilya.

Dr. Love

ALAM

ANO

DEAR SUSAN

DIYOS

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

SAN VICENTE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with