Dayo huli sa P2 milyong shabu

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Walang kawala ang isang itinuturing na high value individual na dumayo pa sa pagtutulak matapos mahulog sa buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na alyas Allan, 40-anyos, residente ng Zone-2, Brgy. Sta Teresita, Baao, Camarines Sur.
Sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi, magkatuwang na inilatag ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, Paracale Municipal Police Station, at 2nd Provincial Mobile Force Company ang buy-bust operation laban kay Allan. Hindi na nakatakas ang suspek nang magsilabasan ang mga nakakubling operatiba makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.
Nabawi mula sa suspek ang 6-medium heat sealed plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 300-grams at nagkakahalaga ng P2,040,000.
- Latest


















