^

Police Metro

Marami pang testigo vs VP Sara ihaharap sa impeachment trial

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Asahan na mas marami pang testigo ang ihaharap ng prosecution panel laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagpapatuloy muli ng impeachment trial sa Senado sa Lunes hanggang Miyerkules (Hulyo 13-15) na nasa ikalawang linggo na.

Ayon ito kina House impeachment prosecutors Reps. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Partylist, at Chel Diokno, kinatawan ng Akbayan, na nagsabing matapos ang pagtestigo ni NBI Senior Agent John Mark Calilung ay may karagdagan pang mga testigo ang susunod na haharap sa pagdinig sa darating na linggo. Kabilang dito sina NBI Regional Director Atty. Jeremy Lotoc, Sergeant-at-Arms Legislative Security Bureau ng Kamara na si Executive Director Captain Belinda Bello at NBI Director Melvin Matibag.

Si Lotoc ang nanguna sa imbestigasyon sa pagbabanta ni VP Duterte kina Pangulong Marcos at isa siya sa mga pangunahing testigo ng prosekusyon. Siya rin ang nag-analisa sa ebidensya at mga videos na iprinisinta at nai-authenticate ni Calilung kung saan naipasa ang kaso sa Department of Justice (DOJ).

Ang prosecution panel ay may 11 araw para iprisinta ang kaso sa Article IV kaugnay ng “assassination threat” ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez.

Sinabi naman ni Diokno na nailatag na ang pundasyon sa “grave threat” na kaso laban kay VP Sara matapos na maiprisinta ang unang testigong si Calilung.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with