^

Probinsiya

Vlogger na PWD kinuyog, tinodas ng 5 lalaki

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil lamang umano sa masamang biro, patay ang isang Person With Disability (PWD) na vlogger matapos na kuyugin at pagtulungang­ bugbugin ng limang kalalakihan sa gitna ng komosyon sa isang vi­deoke bar sa Bamban, Tarlac, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ni P/Major Leoncio Alcantara Jr., hepe ng Bamban Municipal Police Station (MPS) nangyari ang insidente nitong Linggo sa isang videoke bar sa Brgy. San Nicolas ng bayang ito.

Nabatid na nagtungo ang 35-anyos na vlogger na si Arjay Yumul, kilala sa kaniyang “Katotzkie vlog” sa nasabing videoke bar kung saan nagkataong nag-iinuman naman ang mga suispect.

Ayon sa imbestigasyon, biniro umano ng vlogger ang isa sa mga suspect na mga kakilala nito pero minasama ito ng isa na nauwi sa pagtatalo ng magkabilang panig hanggang sa magsuntukan.

Ilang saglit pa ay kinuyog at pinagtulungan nang bugbugin ng mga suspect ang biktima.

Sa kabila na sugatan, nagawang makatakbo ng biktima pero hinabol pa siya ng mga suspect at umabot ang rambulan sa tapat ng isang gasolinahan hanggang sa may kapilya.

Humupa lamang ang rambol matapos na magresponde ang mga operatiba ng pulisya at isinugod sa pagamutan ang nasabing vlogger na nilapatan ng pangunahing lunas at pinayagang makauwi sa kanilang tahanan.

Gayunman, nang nasa bahay na ay dumaing ang biktima ng matinding pagkahilo at pananakit ng ulo dulot ng matinding panggugulpi ng mga suspect kaya muli siyang dinala sa ospital pero tuluyan nang binawian ng buhay dulot ng internal hemorrhage.

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspect na nahaharap sa kasong upang homicide.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with