^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit (Part 6)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG dumating ako sa clinic, agad akong nagbayad para maisailalim sa 2D Echo Test si Victor.

Habang naghihintay kami, walang tigil si Victor sa pagtatanong kung saan ako nakautang ng pera.

“Sa may-ari ng restaurant. Pinahiram agad ako.”

“Paano mo babayaran?”

“Kakaltasin sa suweldo ko. Pero hindi pa namin pinag-usapan ‘yun. Pagkatapos na ng test na gagawin sa’yo.”

“Naaawa ako sa’yo Ate. Hayaan mo at kapag gumaling ako, ako na ang magtatrabaho.”

“Huwag ka na munang mag-iisip ng ganyan at nahihirapan kang huminga. Basta kailangang malaman kung ano ang dahilan at nahihirapan kang huminga.”
Tumango si Victor.

Maya-maya, tinawag ng secretary ang pangalan ni Victor. Siya na ang iti-test para sa 2D echo.

“Hihintayin kita rito Victor. Mga 30 minutes daw ang procedure.”

“Masakit kaya Ate ang test?”

“Hindi raw. Nakahiga ka lang at may ikakabit na mga gadget sa dibdib mo.”

Napatango si Victor.

“Relaks ka lang. Sige na pumasok ka na sa room.”
Pumasok si Victor.

Naiwan ako. Nagsimula na akong magdasal para sa kapatid ko.” (Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with