^

PSN Showbiz

F4, nag-donate ng P5 milyon sa mga nilindol sa Mindanao

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
F4, nag-donate ng P5 milyon sa mga nilindol sa Mindanao
F4
STAR/ File

Nakakatuwa naman ang phenomenal Taiwanese boy group, ang F4, na binubuo nina Jerry Yan, Vanness Wu, Vic Chou minus Ken Chu plus Ashin (ng Mayday) na naging superstars nung 2001 dahil sa kanilang hit drama series na Meteor Garden kasama ang buhay pa noon na si Barbie Hsu ay hindi nakalimot at pagtulong sa mga biktima ng 7.8 magnitude earthquake sa ilang bahagi ng Mindanao nung nakaraang June 8, 2026.

Ang grupo ay nagpaabot ng tig-P2.5 million sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation at P2.5 million sa GMA Foundation para makatulong sa mga nasalanta ng paminsalang lindol na kumitil ng maraming buhay at nakasira ng napakaraming bahay at imprastraktura na ang sentro ay ang bayan ng Saranggani.

Ang tulong ng F4 at Ashin ay naging posible sa tulong ng kanilang F-Forever Live Nation Philippines.

Ang Taiwanese superstars ay nakatakdang magtanghal sa Philippine Arena sa araw na ito ng Sabado, June 27, 2026, bilang bahagi ng kanilang world tour presented by Live Nation Philippines.

Ang F4 ay sikat na sikat hindi lamang sa Taiwan, kundi maging sa iba’t ibang bansa at kasama na rito ang Pilipinas kung saan sila may strong following.

Ice at Liza, swak sa isa’t isa

“We are each other’s number one fan,” pag-amin ng longtime partners na sina Ice Seguerra at Liza Diño na mahigit 13 taon na ang relasyon and celebrated their 12th wedding anniversary na ginanap in San Francisco, California, USA nung Dec. 8, 2014.

“Sobra na naming kilala ang isa’t isa,” pahayag nina Ice at Liza nang makapanayam namin sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo sa aming YouTube channel.

“We complement each other,” patuloy ng dalawa.

Liza provides the creative side at si Ice naman ang tumatayong director ng kanilang itinatag na production house, ang Fire and Ice Productions which develops and produces films and music production including live concerts hindi lamang ni Ice kundi ibang artists at kasama na rito ang talent management.

Malaking tulong din kay Liza ang kanyang naging experience at panunungkulan noon bilang chairman-CEO ng Film Development Council of the Philippines kung saan ay marami siyang natutunan at nakilalang malalaking personalidad here and abroad .

Tatlong taon pa lamang noon si Ice (as Aiza Seguerra) nang siya’y sumali sa Little Miss Philippines segment ng longest-running noontime show na Eat Bulaga kung saan din siya naging bahagi ng programa sa loob ng 10 taon matapos siyang manalo. Ngayon ay si Ice na ang tumatayong director ng programa.

Although hindi umano si Liza lumaki sa kanyang namayapang ama, ang dating Department of Interior and Local Government undersecretary at dating kapitan ng Brgy. San Antonio in Quezon City na si Martin Diño, she became close to him when she turned 17 up to the time of his death nung Aug. 8, 2023.

During the wake ng kanyang ama ay doon umano niya nakilala ang walong ina ng kanyang 14 half-siblings. Until the death of her father ay marami umano siyang katanungan na hindi nasagot.

Si Ice ay nagkaroon ng second wind ng kanyang career nang pumutok ang kanyang awiting Pagdating ng Panahon nung 2001.

“May mga tao pang tinawag akong laos,” pag-amin ni Ice. But he bounced back sa pamamagitan ng Pagdating na Panahon na 25 years nang kinakanta-kanta ng marami hindi lamang sa karaoke kundi maging ng ibang artists.

Sobra umano siyang thankful una sa Diyos, sa pangalawang pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya, sa kanyang pamilya at supporters lalung-lalo na sa Vicor Music – sa magkapatid na Edith and Margot Gallardo, Moy Ortiz (ng The CompanY) na siyang naniwala at sumugal sa kanyang kakayahan bilang isang mang-aawit.

Catch our exclusive interview with Ice and Liza on TicTALK with Aster Amoyo.

ABS-CBN

JERRY YAN

KEN CHU

VANNESS

VIC CHOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with