Banta ni Sara, mangyayari kaya?
NAGMULA sa bibig ni VP Sara Duterte noon ang pagbabanta na magkakaroon ng ‘‘bloodbath’’ o ‘‘paliligo ng dugo’’ sakaling magpatuloy ang panggigipit sa kanya ng kampo ni PBBM at natuluyan na nga’ng mabuo ang impeachment complaints na pumasa sa kongreso at impeachment trial na nakalatag na ngayon sa senado.
Maari diumano na maging madugong gastusan ito sa panig ng senado bilang taga-usig at mga pribadong abogado na magtatanggol kay VP Sara. Milyones na pondo ng senado ang gagastusin sa paglilitis kay Sara na baka lampasan pa ang P612.5 Milyon confidential funds na pinagtatalakayan ang gagastusin ng gobyerno sa paglilitis. Aba’y male-maletang pera rin ‘yan!
Milyones din ang maaring ihanda ni VP Sara sa mga abogadong magtatanggol sa kanya kaya madugong gastusan talaga ang magaganap. Sana nga ay pera-pera lang ang kahulugan ng banta ni Sara.,’Di ba?
Kung hahantong sa kainitan ang usapin sa impeachment at magsalubong ang mga DDS at PBBM supporters sa paligid ng senado at magkapikunan, aba’y magkakagulo talaga at baka nga may tumagas na dugo mula sa magkabilang kampo. Wala naman sanang masawi. Obligasyon na ni DILG Sec. Jonvic Remulla ‘yan!.,Kaya ba?
Maaring malagay sa alangani’ng sitwasyon si PBBM sa sandaling magpahayag ng pagkagambala ang mga pinagkakautangan nating mga bansa at magpahiwatig ng suporta kung anuman ang pinakamainam na alternatibo para makabayad tayo sa kanila. Mas madugong usapin ito na maaring mauwi sa state of emergency dahil sa bumabagsak nating ekonomiya.
Magsisimula ang impeachment trial sa July 6, 2026 at nauna nang nabanggit ang pangalan ni Sen. Chiz Escudero para maging Presiding Officer pero nangamoy ‘‘mapanghi’’ agad dahil may kaso rin itong kinakaharap na maaring buhayin ‘‘forthwith’’ ‘Di ba?
Manalangin tayo na maging matatag ang AFP at PNP leadership para sa ikabubuti ng buong bansa.
- Latest


















