Impeachment trial ni VP Sara tuloy sa Hulyo 6
MANILA, Philippines — Tuloy na sa Hulyo 6 ang aktuwal na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang kinumpirma ni lead House impeachment prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro sa ginanap na pre-trial conference nitong Huwebes. Ito rin ang petsang itinakda ng nakaraang liderato ng Senado.
Sinabi naman ni Rep. Zia Alonto Adiong, isa sa tagapagsalita ng House Prosecution team, na umaasa sila na dadalo ang Bise Presidente sa pagdinig para magpasok ng kanyang plea bago ang presentasyon ng ebidensya sa Senate impeachment court.
Sa kabila nito, nilinaw naman ni Luistro na itutuloy ang trial kahit dumating o hindi si Duterte at kanyang mga abogado sa korte.
Hindi tulad sa pre-trial conference na closed door, ang trial proper ay bukas sa publiko at sa media na itinatakda ng Senate rules.
Samantala, tiwala naman si Luistro sa kung sinuman ang maging impeachment court presiding officer.
- Latest


















