Chiz, itinalaga bilang presiding officer sa impeachment trial
MANILA, Philippines — Itinalaga ng bagong majority bloc ng Senado si Senator Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang pagtatalaga kay Escudero bilang presiding officer ng impeachment court ay magiging opisyal sa pagpupulong ng korte sa Hulyo 6, 2026.
Binanggit ni Lacson na napili si Escudero dahil ito ay isang abogado at sa kanyang malawak na karanasan sa mga proseso ng impeachment.
“Kaya iyon ang pinagkasunduan ngayong umaga, bagaman maaari pa rin itong magbago. Iminungkahi rin ito ni Sen. Win (Sherwin Gatchalian),” aniya tungkol sa bagong Pangulo ng Senado.
Tinanggihan din niya ang mga haka-haka na ang hakbang ay ginawa kapalit ng desisyon ni Escudero na sumali sa bagong mayorya ng Senado.
- Latest




















