Rita, nabastusan sa pag-overshare ni Alex

Naintriga kami sa Facebook post ni Rita Avila na “Sino dito ang friend si Alex Gonzaga-Morada? Paki sabihan naman na too much na ang i-share pa nya ang nangyayari sa bedroom. Di na maganda o nakakatuwa.”
Tsinek namin ang Instagram at X accounts ni Alex, pero hindi namin nahanap ang sinabi ni Rita na oversharing niya sa nangyari sa bedroom nila ng asawang si Mikee Morada. Marami rin ang na-curious kung ano ang mga na-share ni Alex.
Anyway, isa sa kinaaliwan na post ni Alex ay ang reels na nagsasayaw ang asawa niyang si Mikee at ang husband ng sister niyang si Toni Gonzaga na si director Paul Soriano. Ang caption kasi ni Alex sa post, “Mga young stunna namin nakabuntis samin!! Ang popogi nila teh!”
Sinabayan nila ni Toni ang respective husbands nila sa pagsasayaw at dahil first time nakitang sumayaw si Direk Paul, marami ang natuwa. Lalo na at effort ito na sabayan ang song ni Skusta Clee na “Since Day One.”
Ralph, ‘di takot sa mga DDS!
Ang daming DDS o Die-hard Duterte Supporters ang nagalit kay Pinoy Big Brother housemate na si Ralph de Leon dahil sa naging pahayag sa YSpeak 2.0 na pangarap niya.
Sabi kasi ni Ralph, “Ang dream ko lang talaga, ang wish ko lang, ay mabigyan ng hustisya ang lahat, managot ang lahat ng kriminal- whether is’s Duterte sa ICC o si Bato na nagtatago.
“Kasi kung ikaw talaga ay inosente, bakit ka pa tumatakbo? Bakit ka pa nagtatago? Binabalahura mo pa ang Senado.
“So please, never again. NEVER AGAIN!”
Ang dating sa mga DDS ng never again na binanggit ni Ralph ay hindi na iboto ang mga Duterte at mga kaalyado nito, kaya naman, sinugod siya ng mga galit na galit na DDS. Tinawag siyang bobo, may nag-comment pa na nag-iingay si Ralph para mapag-usapan.
Ang pinakamatinding comment, gusto lang daw mabigyan ng maleta kaya nagpapansin. May nag-comment pa na hindi pa man sikat si Ralph, nalaos na dahil lang sa pahayag niyang ito. May nag-akusa pa sa kanyang walang alam sa lipunan dahil anak-mayaman siya.
May mga pumuri rin kay Ralph, ang tapang daw nito sa kanyang pahayag kahit alam na maba-bash siya at ika-cancel. Sana raw tularan siya ng ibang artista. Sa nagsabing hindi siya kilala, sagot ng fans ni Ralph, “Sikat yan sa mga Millennials at GenZpag tanders na siyempre di naman nila kilala.”
Bea at Wilbert, balik-tambalan
Masaya ang fans nina Bea Binene at Wilbert Ross sa balitang may bagong series ang favorite love team nila. Ito ay ang Love U Lots na streaming sa Viva One sa July 24 na. Sa direction ni Victor Villanueva at produced ng Viva at Studio Viva.
Bukod sa Viva One series, aabangan din ng fans ng dalawa ang movie na kanilang pagtatambalan. Ina-announce ito ni Wilbert sa mediacon ng kanyang concert at sabi pa nito, marami pang aabangan na projects nila ni Bea at project niya ang fans.
Ang Love U Lots ay mas rom-com daw ang datingan than their first series na Golden Scenery of Tomorrow. Ang sabi sa promo, “WILBEA is back- ready to make us laugh and fall in love all over again.”
Nag-shoot na ng teaser sina Bea at Wilbert, pinalalabas na at dito pa lang, nakuha na ang saya at kilig ng fans. Nagpapasalamat ang WilBea fans sa Viva sa tuluy-tuloy na project ng dalawa. Hindi na raw nila kailangan pang mag-request dahil kusa nang ibinibigay sa kanila. Kaya naman, nangako ng suporta ang fans sa bawat project ng dalawa.
Anyway, wala nang maibigay na complimentary ticket ang Viva sa WRten by concert ni Wilbert dahil sold-out na ang tickets sa two-night concert. “Literal na sold-out,” ang sabi ng taga-Viva Live kahit sa July 25 and 26 pa ang concert. Ang sipag ng fans at nag-unahan talaga sa pagbili ng tiket para hindi maubusan. Kaya lang, marami pa rin ang naubusan.
- Latest



















