^

PSN Palaro

Ateneo o FEU?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

2 p.m. Ateneo vs FEU (Men’s semis)

MANILA, Philippines —Sinong  uusad? Sinong mamamaalam?

Muling magkukrus ang landas ng Ateneo de Manila University at Far Eastern University para sa huling tiket sa finals ng UAAP Season 80 men’s volleyball tournament.

Nakatakda ang engkuwentro ng Blue Spikers at Tamaraws sa alas-2 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang mananalo ang ha­harap sa National University sa best-of-three championship series.

Binuhay ng Ateneo ang pag-asa nitong maipagtanggol ang titulo matapos dagitin ang pahirapang 18-25, 25-13, 24-16, 25-23, 15-9 panalo laban sa FEU noong Sabado.

Nagpasiklab sa natu­rang laro si four-time MVP Marck Espejo na pumalo ng record-setting performance na 55 puntos para hatakin ang Blue Spikers sa panalo.

“Gusto kong maging memorable yung last year ko,” ani Espejo.

Inaasahang ibubuhos na ni Espejo at ng buong Blue Spikers ang kanilang buong lakas para makabalik sa finals.

“We have to triple our effort para mabawi pa namin yung isa. We believe in destiny. Kailangan pa rin naming magtulung-tulong,” sambit ni Ateneo mentor Oliver Almadro.

Isang solidong plano ang inihanda ng Tamaraws para pigilan si Espejo.

Kailangan din nina Jude Garcia, JP Bugaoan at RJ Paler na manduhan ang opensa ng FEU para tulu­yang mahubaran ng korona ang Ateneo.

Umabante sa finals ang NU matapos patumbahin ang University of Santo Tomas, 25-13, 25-13, 31-29  noong Linggo.

Magsisimula ang finals sa men at women’s divisions sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

ATENEO VS FEU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with