‘Isyu sa Endo hindi dapat sukuan’- Leni
MANILA, Philippines — Umapela si Vice President Leni Robredo sa gobyerno na huwag sumuko sa paghanap ng paraan upang matugunan ang matagal ng isyu ng contractualization sa bansa.
Nanawagan si Robredo ng “inclusive” discussion, hearing sa panig ng mga manggagawa at employers.
Aniya, kailangang magkasundo ang dalawang sektor upang matiyak ang balance in interests.
“Dapat na ngayong tugunan ito (contractualization) na napakatagal nang usapin,” sabi ni Robredo sa kanyang weekly radio program sa dzXL.
“Batid naman natin ang panawagan ng mga manggagawa habang may sarili ring mga reklamo ang mga employer. Kaya kailangan nilang magharap at pag-usapan ang isyung ito para matiyak na ang seguridad sa trabaho ng mga manggagawa ay hindi naman magpapabangkarote sa mga employer,” dagdag ng Bise Presidente.
Bago pumasok sa pulitika, naglingkod si Robredo na public interest lawyer at kumatawan sa iba’t ibang sektor kabilang ang labor groups.
- Latest















