Paolo suportado ng anak sa ‘kalandian’
No problem kay Paolo Ballesteros na may 9-year old daughter na siya, wala rin siyang struggle sa pagpapalaki sa anak na madalas ay nasa mommy nito sa Baguio City at madalas naman sa kanyang Instagram post ang closeness nila ni Keira kapag nasa kanya naman ang bata.
Sa grand presscon ng My 2 Mommies, iyon ang tanong ng maraming press kung alam na raw ni Keira ang totoo sa kanya.
“Hindi ko alam, pero sa bahay, nakikita niya ang mga gowns na isinusuot ko sa show, ang mga high-heeled shoes, wigs, ang mga make-up ko, open naman ang mga drawers ko,” sabi ni Paolo. “Hindi naman siya nagtatanong, at sana hindi siya magtanong. Pero kung magtanong siya wala naman akong magagawa sasagutin ko siya. Basta hindi ko kinakalimutan ang mga responsibilities ko sa kanya.”
Totoo naman dahil ilang beses nang dinadala sa abroad ni Paolo si Keira, silang dalawa lamang para mag-bonding.
Natanong namin si Paolo kung ipinapanood niya ang Barbie The Wonder Beki kay Keira, gusto nga raw mapanood dahil hindi napanood noong ipalabas ito last year.
Sa My 2 Mommies, nagkaroon ng anak sina Solenn at Paolo nang minsang nagkasama sila, pero malaki na ang anak nila nang ipakilala ni Solenn kay Paolo na ikinagulat nito, dahil nga beki siya at ka-affair niya si Joem Bascon. Alam daw naman ni Solenn kung ano si Paolo noon pa, at may ka-affair din naman siya ngayon.
Sinisiguro ni Direk Eric Quizon at ng Regal Films na magugustuhan ng mga manonood ang very light romantic-comedy movie na nagtatampok din kay Ms. Maricel Soriano at sa child actor na si Marcus Cabais. Mother’s Day presentation ito ng Regal at will be shown in cinemas nationwide starting May 9.
Ruru may separation anxiety sa katrabahong aso
Simula ngayong Monday, April 23, ang grand finale week ng Sherlock Jr. ni Ruru Madrid, at sa nalalabing taping days pa, may separation anxiety kay Jack (Ruru) hindi lamang sa mga kasama niya sa cast na sina AiAi delas Alas, Andre Paras, Matt Evans, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, pati na rin sa kanyang BFF sa serye, ang asong si Siri.
“Mami-miss ko po siya, dahil iba ang pakikipagtrabaho ko sa isang aso,” sabi ni Ruru. “Dahil po sa kanya, nawala ang takot ko sa aso, dahil nakagat ako ng aso noong bata pa ako. Kaya nang sabihin sa aking aso ang magiging kasama ko sa serye, nagkaroon ako talaga ng kaba, pero kailangan kong harapin ang role ko na isang aso nga ang kasama ko, at nawala ang takot ko nang makita kong napakabait ni Siri, sumusunod siya sa instructions ng kanyang trainer. Habang tumatagal ang pagsasama namin sa eksena ni Siri, natutuhan ko na siyang mahalin.”
Wala kasing naging naging particular leading lady si Ruru sa serye. Sina Janine Gutierrez at Gabbi Garcia ay parehong namatay sa story. Then pumasok si Sophie Albert at last week si Valeen Montenegro.
Mapapanood ang Sherlock Jr. pagkatapos ng 24 Oras.
- Latest
























